Walang Pinoy na nadamay sa Pakistan bombing – DFA

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga nabiktima ng insidente sa naganap na pagsabog sa Pakistan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), walang Pilipinong nadamay sa magkakahiwalay na pagsabog sa Pakistan noong Biyernes, sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad.

Ayon sa DFA, hindi bababa sa 80 katao ang nasawi sa suicide car bombing sa Quetta City, at sa kambal na pagsabog sa Parachinar.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Pakistan. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply