Walang Pinoy na namatay sa Afghanistan bombing – DFA

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naitalang Pinoy na namatay o nasugatan sa panibagong pambobomba sa Kabul diplomatic district sa Afghanistan.

Una rito, umaabot sa 80 ang namatay at marami ang sugatan sa pangyayari.

Sa ulat ng DFA, inatasan na nila ang Philippine Embassy to Islamabad na paigtingin ang monitoring para sa kalagayan ng ating mga kababayan.

Bagama’t malayo umano sa lugar ng mga manggagawang Pinoy ang pinangyarihan ng pagsabog, mahalaga pa ring matiyak na nasa maayos na kalagayan ang ating mga kababayan.

Nakahanda naman ang ahensya na makipag-coordinate sa mga angkop na ahensya ng pamahalaan, kung sakaling kailangan ang iba pang hakbang para mailayo sa panganib ang mga Filipino sa Pakistan. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply