18 stude, sugatan sa school bus accident sa Taguig

SUGATAN ang 19 na katao kabilang ang 18 estudyante, matapos tumigilid ang school service sa Northbound area ng Mckinley-C5.

Papasok sana ng paaralan ang mga estudyante ng Fort Bonifacio Elementary School pero sa halip na sa silid-aralan ay ospital ang diretso nila.

Kininilala ang driver ng school service na may plakang TWJ-647 na si Jason Bernabe, 30.

Ayon kay Arthur Alvin Fauvel, Traffic Management Officer ng Taguig, pasado alas-6:00 ng umaga nang tumagilid ang isang school service sa area ng Northbound ng Mckinley-C5.

May karga itong 18 estudyante na nasa 7-taong gulang pataas.

Nagpapagaling naman na ang mga estudyante na pawang nagkaroon lamang ng minor injuries.

Bago naman mag alas-7:00 ng umaga dumating ang mga enforcer at ambulansya sa lugar ng aksidente para hatakin ang tumagilid na sasakyan.

Ang school service naman na tumagilid ay nasa traffic bureau na ng Taguig. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply