Anne Curtis, Token Lizares at Sir Joel, patuloy ang pagtulong sa mga sundalo ng Marawi!

anne-curtis1

MAY kargang bata si Anne Curtiz sa gitna ng maraming tao na ipinost niya sa kanyang Instagram nang pumasyal siya sa Bobon, Northern Samar bilang bahagi ng kanyang pagiging ambassador ng Unicef Philippines.

Bumisita ang bata sa health center.

Saludo si Anne sa isang Barangay Nutrition Scholar na si Cesar dahil sa pagtulong nito kanyang kommunidad. “What a meaningful, educational and humbling trip. Thank you Northern Samar for the warm welcome. I enjoyed visiting all the barangays and meeting everyone. Salamat po. Till my next visit,” caption ni Anne

Bukod sa ginagawa ni Anne pagbisita sa mga probinsiya, patuloy pa rin ang panawagan niya ng donasyon para sa mga sundalo ng Marawi na nagbubuwis ng buhay para sa ating lahat.

Tulad ni Anne, hangarin nina Sir Joel Cruz at Token Lizares na makatulong sa mga pamilya ng mga sundalo ng Marawi sa pamamagitan ng mini-concert na gagawin sa AFP Theater on August 15 at 5:00 pm.

Nagsanib puwersa sina Sir Joel at Token para maisakatuparan ang naturang mini=concert na dadaluhan ng mga magagaling na singer at mga singing soldier.

Ngayon pa lang ay nakalikom na si Sir Joel ng P3.5 million at ang lahat ng kikitain sa mini-concert na tinawag na Awit Sa Marawi ay mapupunta sa mga pamilya ng mga sundalo sa Marawi.

Napanood ko ang rehearsal ng mga singer na maghahandog ng kanilang mga awitin ( magtatanghal ng libre) para makatulong din sa mga pamilya ng mga sundalo sa Marawi.

Sa rehearsal ay naging punong abala si Sir Joel para tingnan kung may kulang o mali sa gagawing number ng mga singer at banda.

Tinitiyak ni Sir Joel at Token na mapupunta sa mga pamilya ng mga sundalo ng Marawi ang lahat ng malilikom sa mini-concert.

“Kami mismo ang pupunta sa mga pamilya ng mga sundalo para iabot ang cash money na magagamit nila sa kanilang mga pangangailangan,” say ni Sir Joel.

Nakakikilabot ang bawat number na inihanda ng mga performer. Sa umpisa pa lang ay mapahahanga na ang mga magsisipanood.

Sigurado kami na aantig sa mga magpupunta ang mga inihandang kanta ng mga performer.

Nangako si Malu Barry na maghahandog din ng kaniyang awitin.

Who knows baka dumating din ang mga sikat na artista na naging endorser ng mga Aficionados Perfume ni Sir Joel Cruz.

Congrats kina Sir Joel at Token sa naisip nilang paraan makatulong sa mga pamilya ng mga sundalo sa Marawi.
***
Kahit na inaasikaso pa ni Donita Rose ang kaniyang annulment sa mister na si Eric Villarama ay handa na raw itong tumanggap ng manliligaw.

Last December 2016 pa divorced si Donita sa kanyang mister pero dahil Filipino citizen siya, kailangan pa raw niya ng annulment para mawalan na ng bisa ang kasal nila ni Eric.

Ayon pa kay Donita matagal na siyang single dahil year 2015 pa sila naghiwalay.

Pero wala pa raw nagpaparamdam sa kanya hanggang ngayon at nagbiro pa kung mayroon raw ba kaming kilala?

“I`ve been single since yung separation. It`s been like three and a half years. I`ve never dated, never thought about anything. Because I just really wanted my heart to heal first.

“You know, when you`re broken hearted. I don’t know how people can think about love when they`re broken-hearted. You really need to heal first,” pagdidiin ni Donita.

Ngayon ay unti-unti na raw siya nakaka-move on at gusto niya mag-focus sa co-parenting nila ni Eric sa nag-iisang nilang anak na si JP.  TEKA MUNA/ GERRY OCAMPO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply