BUILD, BUILD, BUILD, HANDA NA, GINULO PA!

NAKATUTOK ang lahat ng opisyal ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanilang malaking proyekto sa bansa. Pangunahin ang imprastraktura sa ilalim ng programang Build, Build, Build na tutugon at sasagot sa malaking kakulangan tungo sa Bagong Pilipinas.

Katulad ng problema sa lansangan ng EDSA at sa maraming highly urbanized city, masikip, matindi ang daloy ng mga sasakyan na nagpapabagal sa paglago ng ekonomiya. Sa EDSA lang, halos P5-bilyon ang nawawala dahil sa tindi ng trapik.

Nakita lahat ito ng mga lider-ekonomista ni Pangulong Duterte kaya naman gumawa sila ng plano na tutugon dito. Hindi lang sa Luzon kundi sa buong bansa. Pagpapalapad ng mga kalsada. Paggawa ng mga elevated road and highway, pagpapalawak pa ng RO-RO at higit sa lahat, perokaril o tren bilang pangunahing transportasyon.

Nakatuon na lahat sa Build, Build, Build projects sa bisa ng Dutertenomics. Naghanda na ang mga sangkot na ahensya ng pamahalaan pati na ang mga pribadong kumpanya na katuwang sa pagpapaunlad natin.

Pero totoo na sa bawat magandang layunin, may sisipot at sisipot na mga balakid para ito ay maantala kung hindi man mapigilan. Simple rin ang sagot, pulitika ng mga politikong bulok!

Sabi nga natin, todong handa na, ginugulo pa at ginulo na nga.

Maliban sa ingay ng mga hindot na politiko, hayun ang mga inutil na kababayan natin sa Mindanao na nangangarap maging “hari” ng Repubilika. Sila ang Maute family, Abu Sayyaf Group at mga kaalyado nilang mga dayuhan.

Pinasok at winasak ang Marawi City para raw magtayo sila ng Caliphate State o Islamic State na sarado sa katwiran. Mga “tunay” raw sila na mga Muslim na ipaglalaban ang katwiran? Ano ‘yun?

Sa ilalim ng IS Caliphate State, Muslim lang at Muslim lamang ang nakatayo. ‘Yaong mga iba ang relihiyon, 2 ang pagpilian: maging Muslim o papatayin sa malupit na paraan, pugot-ulo! Sarado ang sistemang ito kahit sa kapwa Muslim. Kung ano ang gusto ng lider, yaon lang. Masahol pa sa diktadurya!

Sana’y matapos na ang gulo ng mga terorista. Sana nga ay maubos na sila. Masakit man ito pero ano ang magagawa natin?

Ayaw ng mayoryang Filipino ang magulo na lipunang Filipino!

Build, Build Build… ituloy na ninyo! BALETODO/ED VERZOLA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply