‘Di binigyan ng pera, misis sinaksak ni mister

stabbing7

DAHIL sa hindi pagbigay ng pera isang 22-anyos na misis, sinaksak ito ng kanyang asawa Biyernes ng gabi, July 14, sa Malabon City.

Nasa kritikal na lagay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Shannylyn Gososo, ng Martinico St., Brgy. Longos sanhi ng mga saksak sa katawan.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na live-in partner ng biktima na si Jeric Conge, ng Bagong Silang, San Jose, Navotas City matapos tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) SPO1 Romirosa Mallari, lasing si Conge nang umuwi pasado alas-11:20 ng gabi at agad humingi ng pera kay Gososo.

Tumangging magbigay ang biktima kaya humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang bumunot ng patalim ang suspek at paulit-ulit na sinaksak ang bikitma.

Sa kabila ng mga saksak ay nagawa pang makatakas ng biktima at agad na humingi ng tulong sa tiyuhin ng suspek na si Daniel Enano na isinugod naman siya sa Pagamutang Bayan ng Malabon. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply