Drug ops sa NBP, ibinalik ni Digong

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik na ang operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Sinabi ng Pangulo na kahit anong gawin ay nakalulusot pa rin ang illegal drugs operations ng Chinese druglords.

Ayon sa Pangulo, nabuhay ang negosyo sa loob ng NBP dahil posibleng nakapasok na naman ang cellphone sa loob ng kulungan kahit namatay na ang ilang druglord.

Maging sa Davao Penal Colony aniya ay lumabas sa tracking ng mga awtoridad ang tatlong presong nagnenegosyo ng iligal na droga.

Nagbabala pa ang Pangulo sa mga taga-NBP na maghintay lamang ang mga ito na matapos ang kaguluhan sa Marawi dahil pagkatapos nito ay magpapatupad siya ng reporma sa Pambansang Kulungan. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply