Feel na feel si Dennis Trillo!

NASASABIK na ang netizens na mag-asawa ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Wala na silang tinatanong kung kailan sila magpapakasal ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Grabe na ang mga millennials dahil sila ng naaatat na ikasal ang idolo nila.

Nasa tamang edad na kasi si Sarah.

Natutuwa nga sila na mabalitaang marunong na itong mag-drive at may license na siya.

Napanood din si Sarah sa Magandang Buhay na marunong na siyang magluto. Nakikita na talaga ang ibang side ng dalaga.

Anyway, hindi itinatanggi at wala ring pag-amin ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli sa plano nilang pakasal sa 2017.

May alingasngas na diuamo’y may kinakausap na silang wedding coordinator.

Tinawanan lang ni Matt ang naturang issue at nag-promote na lang na panoorin ang “Finally Found Someone” na movie nina Sarah at John Lloyd Cruz.
“Hindi ko alam. Tingnan natin,” bitin pa niyang pahayag.

-o0o-

Showbiz crush ni Ruru Madrid si Solenn Heussaff.

Happy ba siya ngayon na magkasama sila sa book 2 ng “Alyas Robin Hood 2”?

Okey raw sabay tawa ng young actor na kinikilig.

May pagnanasa pa ba siya kay Solenn dahil kasal na it okay Nico Bolzico, isang Argentinian businessman/model/host?

“Hindi, yung pagnanasa naman.. sobrang crush ko siya. I mean kahit hindi pa po ako artista sobrang crush ko na siya,” pakli ng binata.

Buwag na ba ang loveteam nila ni Gabbi Garcia dahil sa tsismis na split na sila sa totoong buhay? Solo lang si Ruru sa “Alyas Robinhood 2” at bini-build up na siyang action star.

Nalulungkot daw siya dahil tatlong taon din silang magkatambal ni Gabbi pero panahon na rin daw na matuto silang i-handle yung sarili nila.

Pero hindi niya isinasara ang pintuan na wala na ang “Gabru”. Baka dumating ang panahon na muli silang magsama.

“Mas gusto ko po na parang makilala ako bilang sa sarili ko. And I’m sure na si Gab ganun rin,” sambit pa niya.
-0o0-
Moment of truth na nga para sa lead stars ng My Love from The Star na sina Steffi (Jennylyn Mercado) at Matteo (Gil Cuerva) dahil umamin na nga ang binata sa dalaga.

Pero hindi ang typical na love confession dahil inamin na ni Matteo ang tunay niyang pagkatao. Ang daming feels ang naramdaman sa social media dahil sa mga comments na nakita nang iere ang episode na ito ng GMA.

May mga nainis, naiyak.

Dalang dala raw kasi sila dito at hindi maipagkakaila ang dedikasyon nila sa kani-kanilang mga roles.

Wala raw bahid ng pagka-Jennylyn at Gil ang dalawa.

Iba talaga magtransform si Direk Joyce Bernal.

Ito yung mga tipong ayaw mo nang tumigil ang palabas dahil sa galing ng mga artista niya.

Pero paano nga kaya matatanggap ni Steffi ang tunay na pagkatao ni Matteo?

Mapanindigan kaya niya ang line niyang ‘tanggap ko kahit ano pang pagkatao mo?’

Abangan sa nalalapit na pagtatapos ng My Love from The Star gabi-gabi sa GMA Telebabad.

-0o0-

Wala sa mga lalaking nali-link kay Barbie Forteza ang top 3 niya na pinakaguwapong actor.

Nalaglag sina Kiko Estrada, Jak Roberto at Ken Chan.

Sino ang top 1 niya?

“Dennis Trillo! Dyusko, itatanong pa ba kung bakit?” mabilis niyang tugon.

Tapos si Jericho Rosales, siya naman ang gusto kong itsura ng lalaki na moreno.

“Mr. John Lloyd Cruz. Hello! Siya lang naman ang leading man na walang abs na sobra-sobrang ma-appeal, yung talagang hindi na kailangan ng abs at sobrang galing,” sambit niya.

Sino ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya ngayon?

“Basta meron. Basta meron. Merong lalaking espesyal sa aking buhay,” bulalas niya.

Nakakaartista pag hindi raw isinisiwalat kung sino ‘yun. may mystery ganun.

So happy pala ang lovelife niya?

“Lovelife agad? Hindi ba puwedeng dahil lang may kalayaan na akong magbakasyon ngayon,” sey pa niya sabay tawa. XPOSED/ROLDAN CASTRO

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply