Gilas pinadapa ang Taiwan Blue

NIRENDAHAN lang saka iniwan sa huli ng Gilas Pilipinas ang Taiwan Blue sa iskor na 88-72, sa 2017 William Jones Cup nitong Linggo ng gabi.

Sa ginanap na laro sa Taipei Peace International Basketball, pinangunahan ni Filipino-German Christian Standhardinger ang panalo ng Gilas sa kanyang ng 17 points at 15 rebounds.

Kumamada naman si Matthew Wright ng 17 points habang mayroong 15 points, walong rebounds at apat na assists naman si Kiefer Ravena.

Mula sa unang quarter ay hawak ng Gilas ang kalamangan para makabawi sa pagkatalo nila noong Sabado sa koponan ng Canada. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply