Gilas pinadapa ang Taiwan White

gilas19

NASUNGKIT ng Gilas Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo laban sa Chinese Taipei B o Taiwan White, 93-82, sa katatapos lamang na William Jones Cup ngayong araw.

Ito’y matapos ding talunin ng Gilas ang Chinese Taipei A kahapon, 88-72, sa sarili nilang teritoryo.

Kumana si import Mike Myers ng double-double 14 points at 14 boards habang patuloy namang nagpakitang-gilas si gunner Matthew Wright sa kanyang game-high 21 points at 5-of-9 tres.

Hindi naging maganda ang simula ng Gilas na naka-commit ng 6 turnover ngunit nakarekober sila at nakapagtala lamang ng 13 turnovers sa buong laro.

Siniguro ng Gilas ang panalo matapos ang 11-2 run sa pangunguna ng tres ni Roger Pogoy at isang highlight na double-pump, baseline jumper ni Jio Jalalon upang umangat sa 88-77 may 2:10 na lang sa orasan.

Susunod na makakalaban ng Gilas ang Japan bukas, July 18, ala-1:00 ng tanghali. GILBERT MENDIOLA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply