Gordon kay Dela Rosa: ‘Bato-gan’

NAGBABALA si Sen. Richard Gordon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na tatawagin niya itong ‘Bato-gan’ kung hindi mapipigilan ang mga kaso ng araw-araw na pagpatay ng mga suspek na lulan ng motorsiklo o ‘riding-in-tandem’ sa bansa.

Giit ni Gordon, dapat bigyang-pansin ni Dela Rosa ang mga pagpatay ng mga naka-motorsiklong suspek na kung minsan ay nagawang pumaslang ng mga biktima kahit mataas pa ang sikat ng araw.

Sa halip aniyang unahin ang pag-aasikaso sa reinstatement ni Supt. Marvin Marcos na nasangkot sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa, dapat ay ang kriminalidad muna ang trabahuhin nito.

Kung hindi aniya magagawan ng solusyon ni Dela Rosa ang riding-in-tandem killings, sisisimulan niya itong tawaging ‘Bato-gan’. -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply