Ibang klase kung manligaw!

barbie-forteza4

NOW it can be told! M

ukhang may namumuong something kina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Ngayon lang malayang nagsalita ang dalawa tungkol sa kanilang pagkaka-ibigan dahil tapos na ang teleserye nilang Meant To Be na alam ng lahat na kay Ken Chan napunta si Barbie sa istorya.

Naku, ano ngayon ang masasabi ng fans na mukhang nakapupuntos nang husto si Jak sa puso ni Barbie? At mukhang malaking spoiler ito dahil gagawa pa ng pelikula sina Barbie at Ken sa Regal Films na sila ang magka-loveteam. Ayaw ni Mother Lily nang ganyan!

Marunong talagang dumiskarte si Jak dahil ang parents muna ni Barbie ang una niyang nilagawan.

Naging close si Jak sa mommy ni Barbie at magka-textmate at magka-fb pa ang dalawa.

Madalas ring nakakasamang kumain ni Jak ang daddy ni Barbie during the tapings ng Meant To Be dati lingid sa kaalamanan ng dalaga.

Mukhang may effect naman ang pagtitiyaga ni Jak kay Barbie kasi sobrang nababaitan ang dalaga sa kanya.

Willing rin daw maghintay si Jak at hindi siya pinagmamadali nito.

Baka nga sa part 2 ng Meant To Be ay kay Jak na mapunta si Barbie. Malay natin di ba?
***
Mukhang mabenta ang ganda ng ating mga Pinay celebrities sa mga foreigners.

Aba, panay ang abroad ni Eugene Domingo ngayon kasi isang Italian ang kanyang boyfriend ngayon.

Sa katunayan, sa Italy nag-celebrate ng kanyang birthday ang star ng Dear Uge at Celebrity Bluff.

Kamakailan din ay ikinasal na sa Ireland ang dating Eat Bulaga host na si Julia Clarete sa kanyang Irish fiancée.

Marami ring mga female celebrities natin ang kasal sa mga foreigners tulad nina Solenn Huesaff at Georgina Wilson.

Maski ang ating Ms Universe na si Pia Wurtzbach ay may boyfriend na half-foreigner rin.

Nagpapatunay lang na world class ang beauty at pag-uugali ng mga Pinay kaya naman nabibighani ang mga foreigners sa ating lahi!
***
Matagumpay na namang naitawid ang monthly feeding program ng Pambansang Bading na si Diego Llorico.

This time ang mga bata naman ng Brgy Mambog4 ng Bacoor, Cavite ang pinasaya, pinakain at niregaluhan ng grupo ni Diego na sina Zeny Marcelo na punong-abala lagi, mga Bubble Gang artists na sina Kim Domingo at Arnee Ross, pati na ang balladeer mula sa Spain na si Tyrone Oneza na kasama ang kanyang loyal Tyronatics na mga masuerteng nananalo sa Wheel Of Fortune ni Tyrone. Lagi ring present ang volunteers ng Class Act Casting.

Inasikaso rin nang husto ang feeding ni Kapitana Rose Nolasco na napakaganda at sexy at ang Vice Mayor ng Bacoor.

Sayang at hindi nakapunta si Bacoor Mayor Lani Mercado kasi every Sunday ay naka-reserve na iyun sa pagbisita sa asawa niyang si Bong Revilla sa Camp Crame.

Sa mga hindi nakakaalam, associated producer ng Bubble Gang si Diego at masasabing isa siya sa dahilan sa staying power ng show.

Abangan this week sa Bubble Gang ang LeBrown James skit, MPK Spoof, Suicide Bomber, Bea Bangenge, Literal Bingo at Overcooked sletch. EEEWWW/TONEE CORAZA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply