Jinkee at Heart nag-iisnaban daw sa SONA?

jinkee and heart

UUNAHAN ko muna ng tawa HAHAHAHAHAHA!

Kasi naman, ang mga netizen talaga, mayroon lang makitang konting bagay sa social media, grabe na kaaagad ang reaksiyon.

Katulad na lang nitong larawang kuha kina Jinkee Pacquiao, wife of Sen. Manny Pacquiao at Heart Evangelista na asawa naman ni Sen. Chiz Escudero.

Magkatabi silang dalawa pero malayo ang kanilang mga ulo.

Si Jinkee ay parang nakasimangot at si Heart naman ay parang nakikiramdam sa gestures ni Jinkee.

At yun na nga, ang akala ng netizen ay nag-iisnaban ang dalawa .

Hay naku. Di ba puwedeng naging tahimik lang ang dalawa at pinakikinggan nilang mabuti ang mga sinasabi ni Pangulong Duterte?

Di naman puwedeng magtsika-tsika sila habang nagtatalumpati si Digong, di ba?

Pero teka, pagpasok ni Heart ay iba ang suot nito pero nang nasa session hall na ay naka-white Filipiniana gown na ito?

So, may baon-baon sigurong outfit si Heart.

Eh di ba pinagsabihan na sila na dapat simple lang ang suot, pang business attire lang?

Si Jinkee sumunod, simple lang ang damit kaya lang pakiramdam ko, ang init-init ng suot ni Jinkee.

Anyway, naririto ang larawan at kayo na ang bahalang humusga kung nagde-dedmahan o nag-i-isnaban ba ang dalawa at di nila feel mag-usap o talagang nakatuon ang kanilang atensiyon sa nagtatalumpati.

****

Nakabibigla naman ang biglaang pagkansela sa Purpose World Tour concert ni Justin Bieber sa Pilipinas na gaganapin sana sa September 30.

May kinalaman ang China sa pag-atras ni Justine.

Hmmm… ang kawawa ngayon ay ang mga nakabili na ng ticket.

Puwede sigurong i-refund pero ang tanong, maire-refund ba? Baka naman nagastos na ang pinagbilhan ng ticket?

Isa pang kawawa ay ang mestisong aktor na namakyaw daw ng ticket sa Purpose World Tour concert na ito ni Justin.

As in mahigit sampu raw ang binili niyang ticket dahil bukod sa kanya at sa kanyang girlfriend, ay ililibre (or nalibre na dapat) ang iba pa niyang kaibigan mga kaibigan na pawang fans ni Justin.

Mangiyak-ngiyak nga raw ito sa labas na pagkadismaya.

Samantala, naririto ang Statement sa kampo ng international singer.

“Due to unforeseen circumstances, Justine Bieber will cancel the remainder of the Purpose World Tour concerts. Justin loves his fans and hates to disappoint them. He thanks his fans for the incredible experience of the Purpose World Tour over last 18 months . He is grateful and honored to have shared that experience with his cast and crew for over 150 successful shows across 6 continents during this run. However, after careful consideration he has decided he will not be performing any further dates. Tickets will be refunded at point of purchase.

So sad.

Pero teka, last week lang ay pinagpiyestahan ang tungkol sa kasayahan at pananabik ni Kim Chiu dahil napansin siya ni Justin sa Instagram at ang sabi, gusto ni Justin na ma-meet si Kim during the concert. Eh paano ngayon nyan Kim, isang malaking NGANGA na? Hehehehe!

Di bale na, may pagkakataon pa naman sigurong magkita ang dalawa di man dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa – sa ibang pagkakataon.

Marami namang datung si Kim at keri niyang manood sa mga susunod pang concert ni Justin kahit saan man ito magtanghal. TIMMYDORA /TIMMY BASIL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply