KOMENTO IN ACTION

johnny_magalona1035

ILATHALA natin ang iba’t ibang magagandang komento ng isa na naman nating taga-subaybay ng kolum na nagpakilalang Ferdinand Ventayen.

Ang anomang inyong mababasa ay mga komento lamang ni Ventayen na ating bibigyan ng daan na mailathala para tawagan ng pansin ang mga kinauukulan na may kinalaman sa mga komento.

Basahin natin.

1st comment: Mr. Magalona, gud am. Sobrang pagmamalabis na ang ginagawa ng mga nagmomotorsiklo sa pamamagitan ng pag-‘cut’ sa mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada.

Gaya ng pag-disregard nila ng ‘red trafic lights’ at pag-’counterflow’ sa iba’t ibang kalsada, lalo na sa Aguinaldo Highway sa Cavite. ‘Di ba sila pwedeng pagmultahin ‘pag nakita sa CCTV?

Sobrang dami na nila sa kalye. Dapat may ‘sin tax’ ang mga habitual na lumalabag sa road rules at pagbayarin ng DOBLE sa renewal ‘di lamang ng registration ng Units nila kundi pati na rin ng Driver’s Licence kapag lumabas sa CCTV na excessive violators sila.

2nd comment: Sir Johnny, nailathala sa dyaryo na 50,000 pala ang colorum vehicles under sa GRAB at UBER!

Naku, kaya pala congested ang streets ng Metro Manila, kung saan halos lahat sa kanila ay umiikot kung saan-saan at ang multa ay napakaliit na P5M vs sa milyon-milyon na tax na kanilang iniiwasan mula pa noong time ni dating Pangulong Noynoy kung kailan sila iligal na nagsiusbungan.

Bakit napakaliit?

Samantalang iyang mga AUV van ay P200,000.00 ang multa bawat isa na tutubusin pa sa Pampanga!

Siguro ay may naunang multi-million na bigay.

Bagay lang na Grab ang pangalan at Over (Uber) naman iyang sa isa.

TULOY ANG OPERASYON, TULOY ANG LIGAYA

PASINGIT: Tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng sandamukal na VK ni Bridget sa Lemery at Batangas City sa lalawigan ng Batangas.

Samantala, patuloy na nagbibingi-bingihan itong sina Lemery COP P/Insp. Rodel Ban-o at Batangas City COP Supt. Norberto Delmas kaya hayun, tuloy ang ‘say.’ Tingini-ngini n’yo. Hehehe.

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply