Lola kinatay sa Baguio City apartment

KINATAY ng hindi nakikilalang salarin ang isang lola sa Lucena City kaninang Biyernes ng umaga.

Bukod sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay iniwanan din na nakatarak sa leeg ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa biktimang si Lilian Sy, 69, ng Zaballero Subd., Brgy. Gulang-Gulang.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa biktima at kung ano ang motibo sa krimen.

Sa ulat ng Lucena police, nadiskubre ang insidente dakong 7 a.m. sa loob ng tinutuluyang apartment ng biktima.

Bago ito, napansin ng mga kapitbahay na may bahid ng dugo sa may pintuan ng apartment ng biktima kaya nag-usisa at tumambad ang duguang katawan nito na nakahandusay sa may sala.

Inaalam pa ng pulisya kung may mga nawawalang gamit ang biktima. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply