Magnitude 5.8 na lindol tumama sa North Korea

north-korea1

INUGA ng magnitude 5.8 na lindol ang North Korea.

Ayon sa datos ng US Geological Survey, sa karagatan naitala ang pag-uga na hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.

Sinabi ni USGS seismologist Julie Dutton, walang indikasyon na man-made ang naganap na pagyanig.

Ang mga nagdaang underground nuclear bomb tests kasi ng North Korea ay nagdudulot ng malalakas na pagyanig ng lupa.

Isang opisyal din ng Pentagon ang nagsabi na wala silang nakitang ebidensya na ang lindol ay mula sa nuclear test.

Unang iniulat ng USGS na magnitude 6.0 ang naitalang lindol pero ibinaba ito sa 5.8. -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply