May bagong chick na naman si Paulo Avelino!

paulo-avelino1

KAMAKAILAN nagdiwang sina Billy Crawford at ang fiance, actress nitong si Coleen Garcia ng kanilang ‘last anniversary’ bago sila mag-isang dibdib.

Sa Instagram post ni Billy, ibinahagi nito ang pinagdikit na larawan ni Coleen na nakangiti bago hatiin ang kanilang anniversary cake.

Nilagyan pa ito ni Billy ng nakaaaliw na caption. Ang unang larawan ay may nakasulat na ‘Fake’ at ang ikalawa nama’y ‘Real.’

Ito ang naging post ni Billy: “This is our last anniversary before we lace it up! I love you so much @coleengarcia”

Mabilis naman sumagot si Coleen sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account: “Starting next year, we’ll be celebrating two of these. I love you with all my heart, @billyjoecrawford.”

Matatandaan, Disyembre 2016 na-engage sina Billy at Coleen. Bago pa man ang engagement, laging ipinahahayag ng host at singer na nais niyang pakasalan si Coleen.

Next year na nakatakdang magpakasal ng dalawa kaya very excited na ang dalawa.

MASAYA ang singer actor na si Lanz Gary Evasco sa takbo ng kanyang karir dahil sunod-sunod ang ngaing proyekto ni Lanz Gary.

Sa ngayon katatapos niya lang ang pelikulang “TRES” sa direksyon ni Carlo Alvarez na malapit na ipalabas at magkakaroon ng screening by August sa gateway cinema.

Kasama din siya sa pelikulang “Onna”with Daniel Padilla, Enrique Gil at Johnlloyd Cruz.

Nagsisimula na din siya mag shoot ng pelikulang “Gala” sa direksyon ni Joel Mendoza produce by Bhong “Rojo” and “Anasan”.

Sobrang saya ni Lanz Gary dahil kaliwat kanan ang proyekto niya pagbalik niya sa dito sa pilipinas dahil nawala siya for a while sa sirkulasyon ng showbiz, nagpunta siya sa Singapore at doon muna siya nag stay for a months pero sadyang hinahanap niya talaga ang mundo ng showbiz kung kayat nag desisyon siya agad na bumalik dito para ituloy ang nasimulan niyang karir.

Nagsimula si Lanz Gary from boyband to solo artist at naging produkto din siya ng “Walang Tulugan” ng ating late kuya “Germs” Moreno na isa sa mentor at tumulong kay Lanz para makapasok sa showbiz.

Kung may chance naman nais niyang makasama sa pelikula sina Bea Alonzo, Jean Garcia, Liza Soberano, pagdating naman sa mga singer artist gusto niya makipag colaborate sa kanyang mga idolo tulad nina Gary V. Michael P. Yeng Constantino, Darren Espanto, at rnb princess na si Kyla.
***
NAGING usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang pagpasok sa bagong relasyon ni Paulo Avelino sa kaniyang bagong grilfriend na Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Nitong Hulyo 25, kinumpirma ni Paulo na siya’y in a relationship status na kay Tarasek.

Sa isang panayam kay Paulo: “Hindi ko na sasabihin kung kailan, pero kami na… Happy ako ngayon,” dagdag pa ni Paulo.

Nagkilala sina Paulo si Tarasek dahil sa isang common friend.

Sey pa ng Kapamilya actor: “Sobrang simple lang, yun ang isa sa mga reasons kung bakit sobra akong na-attract sa kanya.”

Masaya ang actor sa bago niyang ka relasyon kasi kita-kita sa kanyang magandang aura na sobrang proud siya para sa kanyang bagong girlfriend.

Nagsimula ang kanilang relasyon nitong nakaraang Hulyo lamang matapos kumalat sa social media ang kanilang larawan. TEKA MUNA/TROY CATAN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply