MRT-Zero budget sa 2018, isinulong

NAKALATAG na sa House Committee on Appropriations ang mga preparasyon para sa deliberasyon ng P3.767-trilyong pambansang badyet para sa 2018.

“It will be a hectic August for the Committee as we aim to finish and file our Committee Report (CR) on the proposed 2018 General Appropriations Act by August 30,” ayon sa chairman ng komite na si Dabao Rep. Karlo Nograles.

Aniya, walang shortcuts sa deliberasyon kundi ito’y bubusisiin ng komite hanggang sa kahuli-hulihang sentimo.

Kasabay nito, isinulong naman ng isa pang Nograles ang zero budget para sa ‘ilegal’ MRT contract at bawiin ang lahat ng ibinayad sa maintenance service provider Busan Universal Rail, Inc. (BURI).

Igniit ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles na ang pagbabayad ng P54.5-milyon kada buwan sa BURI na may illegal contract at palpak na serbisyo ay hindi na dapat pang ituloy.

Bilang bahagi aniya ng anti-corruption directive ni Pangulong Duterte na inihayag nito sa ikalawang SONA, ay hindi dapat ituloy pa ang pagbabayad sa isang “unsigned and illegal” contract.

Hihilingin din nito sa House Committee on Appropriations na ipatigil ang paglalaan ng budget para sa maintenance ng MRT-3 matapos magdesisyon ang Department of Transportation (DOTr) na ibasura ang 3-taong P3.8-bilyong maintenance service contract ng MRT3 sa nasabing kumpanya at kumuha na lamang ng maasahang service provider. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply