Oil companies, may rollback sa Martes

KASUNOD ng dalawang magkasunod na oil price hike sa nakalipas na mga linggo ay magpapatupad sa Martes, July 17, ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa mga produktong petrolyo.

Kasunod ito ng pagbabagsak ng presyo ng krudo sa international market.

Sinabi ng ilang source sa oil industry sector na aabot sa P0.60 ang bawas sa bawat litro ng diesel, P0.25 sa kada litro ng gasolina at P0.60 naman per liter sa kerosene o gaas.

Inaasahang sa Lunes ay maglalabas ng pormal na advisory ang mga kumpanya ng langis dahil sa lingguhang pagpapalit sa presyo ng kanilang mga produkto.

Karaniwang ipinatutupad ang bagong presyo sa produktong petrolyo tuwing Martes ng umaga. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply