Oil price hike, ipinatupad

MATAPOS magpatupad ng magkakasunod na linggong oil price rollback, nagpatupad naman ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng kumpanyang Flying V ang dagdag-presyo na P0.30 kada litro sa gasolina, P0.70 kada litro ng diesel at P0.55 kada litro ng kerosene epektibo alas-12:01 ngayong madaling-araw.

Sumunod naman ang kumpanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag-presyo sa kahalintulad na halaga na naging epektibo alas-6:00 ngayong umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng oil price hike sa kanilang produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. JAY REYES

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply