Oil price hike umarangkada

IPINATUPAD na ngayon ng mga kumpanya ng langis ang panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Nasa P0.90 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.65 naman sa kada litro ng diesel habang P0.80 ang umento sa kada litro ng kerosene.

Alas-12:01 kanina nang ipatupad ng kumpanyang Flying V ang kanilang oil price adjustment habang alas-6:00 naman ngayong umaga susunod ang mga kumpanyang Jetti, Total, Phoenix Petroleum, Petron, Shell.

Ang panibagong oil price adjustment na ito ng mga oil companies ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply