Palpak na koleksyon ng BIR, isinisisi sa mataas na opisyal

bir1

IBINULGAR ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na mas mataas pa sa chairman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang posibleng masangkot sa pagkaltas sa buwis na dapat bayaran ng Del Monte Philippines, Inc. (DMPI).

Inihayag ito ni Alvarez matapos masingil ang Del Monte ng buwis na P65.4-milyon lamang sa halip na P29-bilyon.

“Definitely yes (involvement of other ranking officials). Eh hindi nga natin alam baka kung saan pa umabot ‘yang imbestigasyon na ‘yan,” ani Alvarez.

Sa kasalukuyan ay ikinakasa na ng House committees on ways and means at ng good government and public accountability ang imbestigasyon sa usaping ito dahil sa kalugihang natamo ng administrasyon sa transaksyong ito.

Hindi na nagbanggit pa ng pangalan ang speaker ukol sa posibleng nagbasbas kay Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay at mga tauhan upang mapayagan ang DMPI na magbayan lamang ng milyong piso sa halip na bilyong pisong tax liabilities.

Naunang sinabi ni Finance Sec. Carlos G. Dominguez III, ang opisyal ni Dulay na iimbestigahan niya ang inihaing kasong plunder laban kay Dulay at 17 iba pa.

Ang panawagan ngayon ni Alvarez sa mga public officials na tulungan si President Duterte sa masugid nitong kampanya na linisin ang gobyerno mula sa talamak ma korapsyon.

“Hindi biro talaga, naubos na nga ang buhok ko diyan eh. Puwede naman akong pakuya-kuyakoy na lang ‘di ba? Naaawa din naman ako sa Pangulo dahil nagtatrabaho siya nang maayos at talagang seryoso sa paggawa ng trabaho n’ya para sa bayan tapos merong ganitong klase ng opisyal na nagsasamantala, eh, kailangang tulungan ko rin ang Pangulo,” ani Alvarez.

Ito rin ang nag udyok sa speaker upang ipahayag na hindi kailangangnipasa ang kabuuan ng controversial tax reform package ng administrasyon kung magpapatupad lamang aniya ng matinong koleksyon sa buwis. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply