Police asset inutas

UTAS ang isang 38-anyos na lalaki nang mapagkamalan umanong police asset ng mga ‘di kilalang suspek sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Liwanag Comia, Jr., 38, may asawa, walang hanapbuhay, ng 1245 Area A, Gate 5, Parola Cmpd., Tondo, sa mga tama ng bata sa katawan.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nabatid na dakong 1:00 ng madaling-araw nang maganap krimen sa Gate 6 ng Area A sa Parola Cmpd.

Sinabi naman ni Jayross Comia, 22, pinsan ng biktima, bago ang pagpatay ay nagkita pa sila ng pinsan sa labas ng kanilang bahay.

Inilawan pa umano siya ng flashlight at sinabihang “Tulog ka na,” kaya’t umuwi na siya ng kanilang bahay.

Gayunman, pagdating niya sa loob ay nakarinig na lamang siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanyang tingnan ay nakitang nakabulagta na ang biktima.

Hinala ni Jayross, posibleng napagkamalang police asset ang pinsan kung kaya ito pinatahimik ng mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek at tunay na motibo sa pagpatay sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply