PRESYO NG BAWANG BIGLANG BABA DAHIL KAY VILLAR

SINABON bago binanlawan ni Senadora Cynthia Villar si Bureau of Plant Industry (BPI) Director Vivencio Mamaril dahil sa pagiging pabaya nito sa pagsulpot ng mga kartel ng bawang na animo’y mga kabute na walang kontrol sa pagdami.

Ang pagsulpot ng kartel ang dahilan ng walang habas na kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado at kakambal nito ang kainutilan ni Mamaril na kontrolin ang mabilis na paglago ng kartel.

Halos mula ulo hanggang paa na sinabon ng senadora ang nagtatanga-tangahang BPI director sa mga ginagawang kawalanghiyaan ng mandarambong na mga negosyante ng bawang.

Ang matindi pa rito ay tinukoy mismo ni Sen. Villar ang BPI na siyang pumapatay sa mga magsasaka ng bawang dahil hinahayaan nito ang kartel na mag-import ng napakamurang bawang sa Tsina saka ilalaban sa bawang na produkto ng mga Filipino.

Kinokontrol ng kartel ang suplay ng bawang kaya kontrolado rin nila ang presyo nito sa merkado.

Kung hindi pa binungangaan at binalaan ng senadora ang mga ito na kanyang kakasuhan kapag hindi tumigil sa pagkunsinti sa kartel na magmaniobra sa suplay at presyo ng bawang ay hindi pa kumilos ang mga ito.

Kailangan kasi sa mga hindot na mga taga-BPI na ito ay palaging babantayan dahil kapag pinabayaan mo ang mga ito ay unti-unting tatastasin ng mga ulol na ito ang bulsa ng taumbayan.

Buti na lang at may isang matapang na Sen. Villar na kahit nagkakabaluk-baluktot ang pagsasalita niya sa hearing ay nabibigyan naman niya ng buong tapang ang kanyang ipinaglalaban.

Kaya hayun wala pang isang Linggo, ang presyo ng bawang ay biglang bahagyang bumaba.

Kung hindi pa nasilip ni Senadora Villar ay patuloy na magbubulag-bulagan ang mga taga-BPI sa maniobra ng kartel sa bawang.

Mahiya naman kayo, tangna ninyo. He..he..he.

PA-LOTTENG NI BUKBOK AT SI HEPE

Hanggang ngayon ay hindi natitinag ang operasyon ng iligal na pasugalan ni Willie Bukbok sa Nasugbu, Batangas na sa halip na lotto ay lotteng ang ino-operate nito.

Ang matindi rito, maging si Nasugbu Chief of Police Maj. Rogelio Bayona Pineda ay patuloy pa ring nagbubulag-bulagan.

Utinnayo! Hehehe.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply