Si Empoy ang trip makasama ni Sharon Cuneta!

empoy1

HINDI pa pala humuhupa ang isyu tungkol kay Ahron Villena.

Sige pa pala ang kanyang kinasasangkutan na controversy.

Tumahimik na si Cacai Bautista pero itong si Ahron ay buhay pa ang balita sa kanya.

Sa totoo lang hindi namin kilala itong Ahron at nagkapangalan lang siya nang lumutang ang balita na siya ang lalaki sa buhay ng komedyana na si Cacai na itinatwa naman nito na hindi naman naging sila.

Nagpuputok ang kanyang itlog, este butse, nang sabihin ni Cacai na tanggap naman niya kung ano si Ahron.

Diyan siya nagalit sa komedyana.

Si Ahron ay isang aspiring actor sabi nila, subalit wala itong nababalitang pelikula na nilabasan niya at maging sa mga guesting sa tv.

Patuloy na sinasabi ng nagkukuwento sa amin, dapat nga raw ipagpasalamat nitong si Ahron na sumikat ang pangalan niya ng pagsisinungaling daw nitong si Cacai na magsyota sila at kung hindi hanggang ngayon ay unknown pa siya.

Pakli pa ng nagkukuwento sa amin, sino nga ba si Ahron Villena? at Paano ito nadiskober ng showbiz? tanong naman ni Apol as in Apolonia.

Kami rin, sa tagal namin sa showbiz ay hindi namin ito kilala hanggang may nakapagsabi sa amin na sikat ito sa mga netizen na mahilig manood ng mga sex scandal sa internet.

Sinubukan nga namin na mapuntahan ang website kung saan maraming celebrities na involved sa mga lantaran na hubo’t hubad ang mga katawan at ang iba naman, merong handjob.

Dito ko na nakita ang larawan ni Ahron na naghuhumindig ang kanyang sandata.

Sabi namin sa aming sarili ay guwapo naman pala ito at merong potential na maging bida sa pelikula. Subalit ano’t hindi mabigyan ng break at nang mapatunayan naman kung meron itong ibubuga sa akting.

Marami ang nakakita ng hubad niyang katawan ngayon sa instagram.

Naghuhubad na rin lang siya at pinopost sa internet tiyak na papatok itong si Ahron kung gagawa ng indie movie na may temang hubaran.

Guwapo na, malaki pa ang hinaharap pagtatapos ni Apol as in Apolonia.
-0-
Overnight sensation itong si Empoy Marquez dahil kumita ang kanilang pelikula ni Alesandra de Rossi talagang box office hit ang tambalan nila sa movie na Kita Kita produced by Spring Film ni Piolo Pascual.

Proud na proud si Papa Piolo sa naging resulta ng pelikula nina Empoy Marquez at Allesandra de Rossi at may tatlo pang pelikulang inihahanda si papa P. kahit pa sabihin natin na hindi naging blockbuster ang pelikulang Kita Kita, tuloy pa ring gagawa pa ng tatlo.

100 millyon na ang gross ng pelikula at patuloy pa rin itong nasa mga sinehan.

Hitsurang bumabagyo’t bumabaha, dagsa pa rin ang mga manonood.

Siguro sa curiosity kay Empoy at napatunayan naman ng mga moviegoers na maganda ang pelikula naging word by mouth ito.

Sinabi rin daw ni Mega Sharon na gusto rin niyang makatambal si Empoy.

Naku ha? may nagsabi pa na mga malabiga na siya ay ka level na nila John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at iba pang box-office actors.

Si Empoy raw ang ipapalit kay Gabby Concepcion na hindi natuloy na tambalan ng dating magka-loveteam at asawa kaya choice na ni Mega ang Empoy na ito.

Congratz Empoy!

Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply