Si John Prats sa isang mapaghamong papel!

john-prats

GUMANAP na pala si John Prats na popular at kagila-gilalas na senador na magiging kamuhi-muhing pangulo ng bansa.

At kasama nya sa pelikulang yon sina Princess Punzalan, Tirso Cruz III, Kiko Estrada, at Ryza Cenon.

Aktibistang naging teacher na later on ay naging preacher naman ang papel ni Princess.

Diyos-Diyosan ang titulo ng pelikulang yon na ipinalabas last year lang sa direksyon ni Cesar Buendia.

At kung di nyo napanood yon, may chance kayo na matunghayan ang matinding pelikula sa August 12, sa ganap na 3pm at 6:30 pm, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University.

Obviously, special screening yon.

Di pa naibabalita sa amin ni Direk Cesar kung dadalo sa special event na yon ang ilan sa miyembro ng cast, pero siguradong nandun siya para makitsika sa mga dadagsa sa retrospective screening na yon.

For tickets, pwede kayong mag-text sa 0918-923- 5515. Tig-P250 ang tiket.

Oo nga pala, yung character ni Princess ang magtuturo sa character naman ni John na wala namang Diyos na pwedeng asahan kaya ang sarili lang natin ang pwedeng asahan.

Matindi ang pangarap ni John na sumikat, maging makapangyarihan dahil love child siya na ang mismong ama ay ayaw siyang kilalanin at mahalin.

May mga magaganap sa buhay ng maestra na maghahantong sa kanya na may Diyos na nag-iisang kapangyarihan sa mundo.

Mapagbago nya kaya ang dating paborito nyang estudyante na nagwagi nang pangulo ng bansa?

Meanwhile, mapapanood pa rin si John sa napakasikat na FPJ’s Ang Probinsyano at Banana Sundae sa ABS-CBN 2.
* * *
May spiritual/karmic connection siguro kami sa mga Cesar ng Pilipinas sa lifetime na ito.

Ilang araw lang pagka-Share namin ng Facebook posting ni Direk Cesar Buendia tungkol sa muling pagtatanghal ng pelikula nyang Diyos-Diyosan, napadpad kami sa photo exhibit ng anak ng sikat na sikat na scriptwriter na si Cesar Cosme.

At sa pagkalayu-layong Vivere Hotel sa Alabang pa namin nakaharap at nakatsika si Niccolo Cosme, na ang bansa sa propesyon nya’y conceptual visual artist (na kabilang sa nasasakupan ay photography at painting, digital graphic arts, at iba pa).

Beauty That Moves ang titulo ng kakaibang photo exhibit kung saan may mga bahagi ang mga litrato na gumagalaw pag sinipat mo ng IOS o Android phone mo na may Artivive app.

Augmented reality ang bansag ni Niccolo sa technique na yon ng pagtatanghal ng mga larawang kuha sa pamamagitan ng digital camera at ipinroseso (processed) digitally (pati na ang framing nito).

Pero, actually, pwede ring ma-appreciate ang mga litrato at mamangha sa mga iyon by looking at them with your bare eyes.

Dagdag na mangha na lang ang mararanasan kapag sinipat ang mga litrato sa phone camera na may Artivive app. The photos are in color.

I became fond of the arts simply because I am a son of Cesar Cosme who is not only fond of writing gags but also of having works of arts around the house.

Do you know that because he can’t afford Renaissance paintings of da Vince, Michaelangelo, and the likes, what he does is buy very good actual size reproductions of their paintings, have them framed elegantly, and hang them around the house, Niccolo revealed at a certain point of our gay encounter with him.

Yes, the guy is handsomely gay.

The eloquent, refined, well-educated kind who speaks mostly English (possibly because he studied Communication Arts in De La Salle U in Dasmarinas, Cavite).

Cesar Cosme’s son is not only into the visual arts but also very much into advocacies that include campaigning for the reduction in the rate of HIV infection in the country, rehabilitation of children affected by the war in Marawi city.

Though I think of Niccolo as the son of Cesar Cosme, I know that he has been shining on his own as a conceptual visual artist and advocate of worthy causes.

Cesar has been the head writer of the unsinkable GMA 7 gag show Bubble Gang which has been airing for about 20 years now. Si Cesar din ang direktor ng past and present shows ni Eugene Domingo.

Hindi pala nagpe-Facebook si Cesar, pero may nakita kaming pictures n’ya sa mga ulat tungkol sa “Ang Dating Doon” na napakasikat na segment noon ng Bubble Gang. Si Cesar ang gumaganap na Bro. Willy sa spoof na yon ng religious TV show na Ang Dating Daan.

Meanwhile, Niccolo’s photo exhibit goes on till next week at the Picasso Skylounge of Vivere Hotel, which, if you don’t know yet, is a five-star hotel, and a very homey, cozy one.

Niccolo has a Facebook account as Niccolo Cosme and you can view on his FB some of the photos in his exhibit. Vivere Hotel also has Facebook account you can log on to kung naghahanap kayo ng sosyal na mapupuntahan sa Alabang. At sakaling graduate kayo ng De La Salle-Dasma, schoolmate n’yo ang very charming marketing director ng hotel na si Belle Tolentino. Batchmate yata sila ni Niccolo. SHOWBYTES /DANNY VIBAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply