Smoking ban, sisimulan na bukas

BUKAS na, Sabado, sisimulan ang pagpapatupad ng smoking nan alinsunod sa Executive Order na una nang nilagdaan ni Pangulong Duterte kahit wala pang IRR para sa naturang Executive Order.

Ayon kay Health Assistant Sec. Eric Tayag, simula sa Sabado, hindi na maaaring gumamit, magbenta at bumili ng mga tobacco products sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Tayag, makabubuting maglagay na ng mga “No Smoking” signs ang mga may-ari ng mga establisyimento na hindi makako-comply sa requirements ng smoking ban upang makaiwas sa violation.

Para naman sa may mga kakayahang magtalaga ng mga smoking area, kailangang magkaroon ng tinatawag na buffer zones o ‘yung mga kwarto sa pagitan ng smoking area at public area, ito’y upang masalo ang usok at hindi agad makaabot sa public area ang amoy ng sigarilyo mula sa mga smoking zones.

Ayon kay Tayag, kung walang buffer zone, makabubuting huwag na ring magtalaga ng smoking area dahil ikokonsidera ito bilang violation.

Sa mga mahuhuling lalabag sa smoking ban, may kaukulang multa na P5,000 at apat na buwang pagkakakulong. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply