Soxie Topacio, pumanaw na

soxie-topacio1

NAMAALAM na ang batikang film at theater director na si Socrates Hernandez Topacio mas kilala sa ‘Soxie’ sa edad na 65.

Kinumpirma ito ng mga kasamahan sa showbiz at ng mismong pamangkin niya na si Zarah kagabi.

Ayon kay Zarah, may lung cancer ang kanyang tiyuhin na naging dahilan din ng kanyang pagpanaw.

Ipinaabot ng ilan sa mga kaibigan sa showbiz ang pakikiramay ng mga ito kabilang sina Lea Salonga, Direk Joey Javier Reyes at ang batikang direktor din na si Bibeth Orteza.

Hindi makakalimutan ang naging kontribusyon ni Soxie sa Philippine Educational Theater Association o PETA na pinamunuan niya ang maraming theather productions.

Siya rin ang nanguna sa theater adaptation ng award-winning film ni Lino Brocka na “Bona.”

Samantala, ang pelikula niyang “Ded na si Lolo” ay napili bilang entry ng bansa sa Best Foreign Language Film Category ng 82nd Academy Awards noong 2010. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply