2 tigok sa drug ops sa Caloocan

crime14

DALAWA ang patay matapos maka-enkwentro ang mga pulis ng PCP-3 ng Northern Caloocan na tumugon sa sumbong na may bentahan ng shabu sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Pinangunahan ni C/Insp. Ronald Cayago ang grupo ng mga mga pulis na nagpunta sa lugar.

Pagdating ng mga ito sa lugar, nakita sila ng look-out na si Yul Retonal na armado ng baril na agad tumakbo at pinaputukan ang mga pulis.

Hinabol naman ito ng mga pulis hanggang sa mapatay ang suspek.

Habang ang isang suspek ay nasa loob ng bahay na kinilalang si Teofisto Trinidad, at pagpasok sa loob ng mga ay pulis bigla nitong inundayan ng saksak ang operatiba kaya napilitan nilang barilan si Trinidad na agad nitong ikinamatay.

Nakuha sa pangangalaga ng mga napatay na suspek ang isang caliber .38 revolver, isang patalim, at ilang sachet ng shabu. RENE MANAHAN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply