2 tigok sa Ormoc City 5.1 quake

DALAWANG katao ang namatay sa Ormoc City sa kasagsagan ng magnitude 5.1 earthquake na tumama sa Leyte province kaninang Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Ormoc City police’s deputy director for operations Supt. Elma delos Santos, nakilala ang biktimang sina Maria Contreras Colasito, 51, ng Brgy. Naungan at si Rosita Baloro, 70, ng Brgy. San Jose.

Nadulas aniya si Colasito at nahulog habang tumatakbo palabas ng kanyang bahay habang ang paligid ay inuuga ng lindol.

Tumama ang ulo nito sa sahig at nawalan ng malay. Idineklara itong dead-on-arrival sa ospital.

Nawalan din ng ulirat si Baloro kasunod ng lindol at idineklara rin na patay sa ospital. Hindi naman nalaman pa kung inatake ito sa puso.

Tumama ang lindol dakong 6:26 a.m. na ang epicenter ay na-trace sa Albuera town sa Leyte.

Mas malakas na naramdaman ang lindol sa Ormoc City sa Intensity 5.

Ayon kay Myrna Mangle, chairwoman ng Brgy. Alta Vista sa Ormoc City, may kabuuang 56 na kabayahan ang nasira ng lindol.

May naitala rin aniyang mga nasugatan sa lindol. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply