4 dedo sa Zamboanga Sibugay landslide

NAREKOBER na kaninang Miyerkules ng umaga ang mga bangkay ng apat kalalakihan na natabunan ng lupa sa Brgy. Peñaranda sa bayan ng Kabasalan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay kaninang madaling-araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Sannylito Tuquib, 21; Danilo Balicoco, 53; Adrian Ledesma, 30; at Jeffrey Lamparas.

Nakaligtas naman ang tatlo pa nilang kasamahan na nakilalang sina Ernacio Catipay, Joel Longgaquit at Joe Ledesma.

Sa ulat ng Kabasalan police, nangyari ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga sa kasagsagan ng malakas na ulan sa lugar.

Ayon sa mga survivor, nagpapahinga sila sa loob ng isang kubo nang biglang gumuho ang katabing bundok at rumagasa papunta mismo sa kanilang kinaroroonan.

Inabot ng ilang oras bago nakuha ang mga bangkay ng apat na biktima.

Dahil sa insidente, pinaalalahanan ng awtoridad ang mamamayan na maging maingat lalo na kung hindi ligtas ang kinatatayuan ng kanilang mga bahay habang nagpapatuloy ang nararanasang masamang panahon sa Zamboanga Sibugay at mga karatig na lugar. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply