Andrea ipinagtanggol ni Dingdong

andrea-torres2

SI Andrea pa rin ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Book 2 ng Alyas Robin Hood kaya nabuhay na naman ang isyu sa sexy actress at sa maybahay ni Dingdong na si Marian Rivera.

Kapag tinatanong naman si Marian sa naturang isyu ay todo-deny ito at wala raw siyang dahilan para pagselosan si Andrea.

Ayaw talagang mamatay ang isyu sa kanila lalo at patuloy pa rin ang pangba-bash kay Andrea na gawa raw ng mga fans ni Marian.

Ayon kay Dingdong, may karapatan daw ang bawat netizen na magkomento pero sana raw nasa lugar.

“Kapag nasa social media, kailangang ma-regulate rin ‘yung mga sinasabi, ‘yung mga pino-post at ‘yung mga ginagawa. Kasi kapag dumating na sa bashing, kapag dumating na sa ganoon, eh, cyber-bullying na ‘yun and no one deserves to be cyber-bullied.

“So, ‘yung mga bagay na ganito kailangang regulated talaga and kahit sabihin nating freedom of speech, freedom of expression, kailangang may regulation pa rin kahit paano,” pahayag ni Dingdong.

Pero alam din ni Dong na mahirap daw itong makontrol lalo pa nga raw na wala pa raw standard na sine-set kung ano ang pwede at hindi pwede. Inamin din nito na kahit siya ay apektado rin ng bashing pero di niya binibigyan ng full attention at baka masira lang daw ang araw niya. So, dinededma na lang niya ito?

“Ah, hindi, kapag talagang out of line na.”

Sa kanila ni Andrea, trahaho at ang character lang daw nila sa Book 2 ng Alyas Robin Hood ang kanilang sweetness as magkasintahan.

Anyway, kahit anong busy ni Andrea sa taping ng serye nila ni Dong ay patuloy pa rin siyang nakakasama ng Bubble Gang barkada every Friday evening sa GMA 7.

***

Palaban si Winwyn Marquez sa talent competition ng Miss World Philippines 2017 at alam natin na bukod sa ganda ng mukha at katawan ay magaling din sumayaw si Winwyn na namana niya sa kanyang inang si Alma Moreno.

Post ni Winwyn sa kanyang Instagram account.

“Dance to the beat of your dreams. I am one of the 6 finalists for the talent competition! I am si excited to showcase my talent on August 31 at the @msworldphil Charity Gala Night. #For TheWyn #MWP2017 #Miss WorldAtNewWorld.”

Very positive ang outlook ni Winwyn sa paglahok niya sa Miss World Philippines. Everyday daw ay nagpapasalamat siya habang papalapit ang competition.

“Wake-up every morning with the thought that something wonderful is about to happen! It`s our talent preview today and I`m sure all the @missworldphil girls will be great. Another exciting day! Good morning #ForTheWyn #MWP2017.”

Sa mga gusto raw sirain ang pagmamahalan ni Mark Herras, tigilan na raw dahil going strong ang nadarama nilang pagmamahalan ng actor. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply