Baka maging Michael Jackson part 2!

blind-item1

I’VE written this before and I’m going to write it again so that this actress will be forewarned about the evil effects of enhancements.

Lately kasi, napupuna naming addicted na siya sa pagpaparetoke kaya naman paliit nang nang paliit ang kanyang ilong.

Her nose before was okay at cute ang shape at contour. Pero dahil nga sa men, by nature, are insatiable, kung anu-ano ang ginawa niya sa kanyang sarili kaya naman trending siya para-parati
sa internet basically because the bloggers would love to point out her retokes and augmentations. Hahahahahahahahahahaha!

Sa totoo, if this woman won’t stop with her seeming mania for enhancements, she’ll end up losing her natural beauty and would be comparable to a zombie! Hahahahahahahahahaha!

No naman, not a zombie but a freak! Harharharharharhar!

Okay lang ‘yung breast augmentaton niya dahil kailangan naman talaga ‘yun para ma-enhance ang kanyang physical make-up.

Panget nga naman ‘yung matangkad ka pero may pagka-flat chested. But lately, people seem to notice her mania for enhancement.

‘Yung ilong niya, for one, ay dalawang ulit na yata niyang pinabago.

Ang ending, baka matulad siya roon sa diva of the late 80s na na-addict sa pagpaparetoke kaya halos wala ng natira sa kanyang ilong.

Wala na raw natira sa ilong, o! Hahahahahahahahahahahaha!

Honestly, this lip enhancement thing looks gross on her. Sa halip na lalo siyang gumanda, parang tamulmolic na ang kanyang arrive.

Bago kasi gawin ang isang bagay, pakaisipin at baka sa halip na gumanda ka ay lalong ma-okray.

Anyway, put a stop to your penchant for retokes.

Okay na sana ‘yung dati niyang hitsura pero lately, parang nalilibang siya sa pagpaparetoke which is .

IBANG KLASE ANG 100 TULA PARA KAY STELLA

Honestly, wala kaming gaanong expectations sa 100 Tula Para Kay Stella.

Feeling namin, one of those wanting of substance indie movies na napanonood namin na aantukin ka at kulang na kulang sa quality.

One thing with these indie movies, in spite of what they are harping about, they are very much wanting of quality.

Parang half-baked lang kasi ang pagkakagawa at parang they are very much wanting of quality.

Another thing, these indie movies are loaded with pretentions that is why as much as possible, we shun away from them.

But since the movie 100 Tula Para Kay Stella is from Viva, we are expecting some quality.

At hindi nga kami nagkamali.

For one, napakaganda ng cinematography. Malinis at makinis at may gloss, na siyang stock-in-trade ng Viva ever since.

100 Tula Para Kay Stella speaks of love that defies the passing of time.

Main character si Fidel (JC Santos) at Stella (Bela Padilla) and they have the right love at the wrong time.

Dahil sa stuttering at may speech defect si Fidel, tampulan siya ng tukso at pagkutya nang kanyang mga kaklase.

Buti na lang naririyan si Bela (Stella) na palaging umaagapay at nagtatanggol sa kanya.

From high school to college ang tinakbo ng kwento at may mga pangyayaring naganap sa character ni Bela ba si Stella na dahil sa kagustuhan niyang matupad ang kanyang pangarap ay nanggamit siya ng tao na hindi naman maganda ang kinahinatnan.

Napakaganda ng flow ng kwento at hindi namin namamalayang umiiyak na pala kami lalo na sa bandang ending ng story na kakaiba at unexpected.

Nabaliw nga ang isang blogger dahil nakita niyang umiyak talaga kami nang umiyak dahil sa heart-rending talaga ang ending at hindi mo inaasahan.

Sa totoo napakaganda ng direction ni Laxamana. Maybe because the film is largely biographical and culled from his personal experiences.

Na-highlight sa pelikula ang fluency at facility in English ni JC at ang kanyang pagiging stage actor, also his musical skills.

Bela, too, was able to show her talents in singing and she’s really very good in this movie basically because her character is complicated and demanding and she was able to face up to its challenges.

Please do watch this movie when it opens in cinemas near you on August 16.

You’re missing something if fail to see it.

Promise!

RANDY SANTIAGO, SHOCKED SA UNEXPECTED DEATH NG KANYANG ANAK!

Dumating lahat ng kamag-anak, kaibigan, at mga katrabaho ni Randy Santiago para makiramay sa kanila ng kanyang asawa at mga anak.

May lungkot kay Randy Santiago nang kapanayamin ng press sa burol ng kanyang anak sa La Salle Grenhills Chapel the other night.

Hindi sila makapaniwala ng wife niyang si Marilou Coronel na wala na ang anak nilang si Ryan Leonardo.

Maayos pa raw ang kanilang usapan last Sunday, August 13, nang bigla itong makaramdam ng sakit sa katawan.

Isinugod raw nila sa hospital ang anak but he passed away at the age of 24.

Ryan was the second son in Randy and Marilou’s 3 children.

Anyhow, Randy said that it was hard to accept that their son has succumbed to a rare brain disease and multiple sclerosis.

Idinagdag pa ni Randy na baka raw may dahihan kung bakit kinuha Niya nang ganito kaaga ang kanilang anak.

In a way, mas mabuti na nga raw na nauna si Ryan kaysa naman sila ang mauna at wala nang mag-aalaga sa kanya.

“So minsan, kahit masakit sa amin, mas mabuting naalagaan namin siya hanggang sa huling hantungan.”

“Siya ang lagi kong kasama kapag may mga tour. Madali kasi imbitahin,” remembered Randy who’s a mainstay of the top-rating fantserye La Luna Sangre. “Kumbaga, ‘Ry, samahan mo ako. Ry, nood tayo ng sine.’

“Actually, lahat ng mga anak ko, ganun naman.

“Pero ‘yung mga panahon na naibibigay rin niya kasi na madali mong mapa-oo dahil gala rin, e, kagaya ko rin, gala.

“Kahit ‘yung iba kong anak naman, kapag sinabi lalo ng Tito Rowell nila, ‘Ryan, samahan mo ako…’ ganun din naman sina Raphael at Raiko.”

Isinailalim kaagad sa cremation ang mga labi ni Ryan. Punung-puno ang chapel sa unang gabi ng lamay.

Nakita sa lamay sina Ogie Alcasid, Agot Isidro, Marjorie Barretto, John Estrada, Priscilla Meirelles, Inah de Belen, at Julia Barretto.

Nasa lamay rin sina Rowell, Raymart, at Riley Santiago. Hanggang August 16 lamay ni Ryan sa La Salle Greenhills chapel, San Juan City.

HEART EVANGELISTA, DEADMA NA SA MGA INTRIGA KAY MARIAN!

Up to this very minute, hot copy pa rin ang ‘awayang’ Heart Evangelista at Marian Rivera.

Considering the fact that their ‘feud’ started out some six years ago on the set of Temptation Island, people from all walks of life
would still like to gossip about them.

Anyway, hot copy na naman si Marian lately dahil sa supposed feud nilang dalawa ng co-star nang asawang si Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood na si Andrea Torres.

Bagama’t itinanggi nilang wala raw katotohanan ito, the press believed otherwise.

Sa presscon ng latest soap ni Heart sa GMA, ang My Korean Jagiya, tinanong si Heart sa latest intriga on Marian.

Parang may obvious similarity raw ang nangyari noon kina Heart at Marian sa episode ngayon nina Marian at Andrea.

As much as possible, Heart wouldn’t want to comment on it.

“Well ‘yung… what do I say? No comment. Sorry,” she decided to keep her mouth tightly shut. “I want to but, you know, I choose not to. I really choose not to.”

Anyway, the netizens would love to compare the things that Heart loves to wear, along with her luxury bags, among other things, to Marian’s.

Heart asseverated, “Well, she (Marian) works hard for what she has. So, good for her.

“I’m also the same. So, buy the world, if you must, to make you happy.”

Anyway, pabolosa ang grand presscon ng My Korean Jagiya that was held in a Korean resto in Kyusi the other day.

The soap is slated to detonate on national television on August 21.

Shifting the topic of interview to her bashers, she candidly admitted that she used to give them a good fight. But lately, she has put a stop to it. “You have to remind yourself, your life is amazing,” she said in earnest. “Sometimes you forget, sometimes you take that for granted.

“And then, this negative other fellow says negative things about you.

“And they keep going, they keep punching you.

“You try not to fight back, they still punch you.

“But then, that’s when you have to realize that you have an amazing life, remember that,” she ended the interview showing the kind of wisdom that she has acquired through the years.

***
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply