Ban ng poultry shipment mula Luzon, inalis na

INALIS na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa mga poultry shipment mula Luzon papuntang Visayas at Mindanao.

Ngunit nagbigay ng kondisyon ang ahensya na dapat ay may quarantine seal at hindi manggagaling ang mga poultry mula sa loob ng 7-kilometer radius area.

Ito’y kaugnay pa rin sa tumamang avian flu virus sa bayan ng San Luis sa lalawigan ng Pampanga, gayundin sa Jaen at San Isidro, Nueva Ecija.

Kasabay nito, inilabas din ni DA Sec. Manny Piñol ang resulta ng animal labortary test mula Australia.

Dito ay kinumpirma ang avian influenza H5 virus na tumama sa San Luis, Pampanga. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply