BIGYANG-PARANGAL, PAGKILALA (2)

IPAGPATULOY natin ang ating talakayan ukol sa naging tagumpay ng ilang pulis na lutasin ang isang kasong karaniwang bahagi ng mga napababayaang kaso: ang pagpatay sa isang ordinaryong bading.

Hindi tumigil ang investigator-on-case na si SPO3 Jonathan Bautista sa paghahanap ng karagdagang ebidensiya at pagmamatyag sa kinalalagyan ng suspek na kahit gabi na tapos na ang kanyang duty ay umiikot pa rin upang mabigyang-hustisya ang kamatayan ni Mia.

Sa matinding paghahanap ng ebidensiya, nakilala ni SPO3 Bautista ang salarin na huling nakitang kasama ng biktima limang araw bago ito nakitang patay.

Naging maingat lang ang suspek, isang teenager, sa kanyang mga galaw kaya matagal-tagal din itong hindi umuwi sa kanilang lugar.

Pero naging matiyaga sina SPO3 Bautista, SPO4 Rexy Bartolome, SPO1 Donald Panaligan at PO3 Melchor Ryan Balagtas sa pagmamatyag at pagbabantay sa pag-uwi ng suspek sa kanila kaya sa bandang huli ay nasakote ito noong nakaraang linggo.

Bagaman 16-taong gulang ang suspek, nang arestuhin ay sinamahan ito ng kanyang ina at chairman ng kanilang barangay hanggang presinto, sinampahan pa rin ito ng kasong robbery with homicide sa piskalya ng Maynila.

Kaya naman dapat lamang na mabigyang pagkilala o parangal ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang kanyang mga tao at hindi puro mga hepe na wala namang ginagawa kung hindi magpalamig sa kanilang opisina at maghintay ng lingguhang payola.

Ang mga imbestigador na tulad nina Bautista, Bartolome, Panaligan at Balagtas, na lumutas sa kaso ng karumal dumal na pagpatay sa kababayan ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang hinihintay na pabuya, ay mas dapat makinabang ng mga parangal na kadalasan ay hepe ang kumukuha.

Gen. Bato dela Rosa, aba’y tingnan mo kung paano trinabaho ng mga Police Non-Commissioned Officer (PNCO) na malutas ang kaso ng karumal dumal na pagpatay sa Maynila na hinihinalang may kinalaman din ang droga.

Aba’y hindi magagawa ang pagpatay kung wala sa impluwensiya ng droga ang suspek dahil matindi ang mga tinamong saksak ng biktima.

Pustahan pa tayo. PAKUROT/LEA BOTONES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply