Bohol, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

earthquake2

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Lila sa lalawigan ng Bohol, Huwebes ng umaga.

Naitala ang pagyanig alas-8:43 ng umaga sa 2 kilometers East ng Lila.

May lalim na 521 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang pinsala ang nasabing pagyanig.

Unang iniulat ng Phivolcs na magnitude 5.6 ang lakas ng lindol at sa Dimiao, Bohol ito tumama.

Pero kalauna’y nagpalabas ng updated information ang Phivolcs at ibinaba ang magnitude sa 5.4 at binago rin ang epicenter ng lindol. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply