Buruka, consistent sa kaplastikan

IBANG klase talaga itong si Buruka.

Imagine, ang kapal ng mukha at consistent talaga sa kaplastikan.

When the late Alfie Lorenzo was still alive, he used to tell us how Buruka was giving him a shabby treatment.

Sa mga supposedly highly exclusive presscons nito ay ni hindi man lang siyang maalalang imbitahan gayung when she was practically starting in the business, she was following him around like a besotted puppy!

Pa’no raw, balak ni Buruka na makuha ang kanyang connections at nang magtagumpay siya ay ni hindi man lang siya maalalang imbitahan sa kanyang mga pressons.

Ang kapal! Over sa kapaaaaaaallllll! Hahahahahahahahahahaha!

Sa ngayon, si Buruka pa raw ang source ng mga reporters sa mga updates tungkol kay Mother Alfie.

Nakasusukaaaaaaahhhh! Ang galing talagang dumiskarte nitong impaktang ito.

Looking back, when Bibsy Carballo passed away, she was there at her wake almost every night.

Kunwa-kunwari ay feeling close ang dayabolikang matanda gayung when Bibsy was still alive and was visibly hard-up, she was ignoring her completely at her presscons.

Yosi-kadiri! Pero nu’ng mamatay ‘yung tao ay kiyemeng gabi-gabing nakikipaglamay at kahalubilo ang kamag-anak ng nasirang talent manager/writer.

Kasumpa-sumpa, di ba naman? Ang aabangan ko ay ang pagyao ng isa pang icon sa show business.

Nakatitiyak akong eeksena na naman si Buruka sa lamay at aakuing kiyemeng super close siya sa kanya.

Anyhow, buko ka na plastikadang matanda.

Hindi ka na makaeeksena dahil ibubuko ka namin sa lahat ng lamay na iyong eeksenahan, balatubang matanda! Hahahahahahahahahahaha!

‘Yun lang!

 Christopher, naniniwalang hindi pababayaan ni Coco si Mariel!

Christopher de Leon is extremely happy that his daughter Mariel was able to bag the lead role in Coco Martin’s movie, Ang Panday.

“It’s an offer you cannot refuse. Medyo apprehensive siya when it comes to her acting. It’s in her blood, so why not?” he intoned.

“Sabi naman ni Coco,” he further averred, “aalagaan niya yung anak ko, he’s a nice guy.

“She’s in safe hands, yung offer as Coco Martin’s leading lady, it’s an offer you cannot refuse.

“But sabi nga ng one of my friends, even my mom said, nanggaling sa pelikula at telebisyon…

“Sa entertainment business ang pinakain mo riyan, it’s in her blood, so why not? Christopher’s mom happen to the popular lead actress of the 1950s Lilia Dizon.

Inasmuch as Mariel’s basically a novice in the business, the multi-awarded actor believes that she can pull it through.

“She is excited, very excited about the shoot,” he quipped. “Wala, wala talaga, but this is a big offer, it’s not just one of those… “Like in my case, they offered me Tinimbang Ka Ngunit Kulang, I didn’t say I didn’t want to be an actor.” Any advice to their daughter who is now following in their footsteps?

“Yung mother niya laging sinasabi sa kanya, always respect the views of others,” he pleasantly intoned.

“Ako naman in all her victories, stay humble, humility in victory.

“We’ve been talking to her about how to place yourself in front of two cameras, three cameras.

“Tips on how to deliver your lines, how to use your eyes, stuff like that.

“Pag nag-uusap-usap lang in the family room, yung mga ganun-ganun lang.”

Jed Madela, naiirita na sa mga bashers!

Jed Madela is one singer who happens to be the victim of endless bashing.

Lately, he posted on Instagram a relevant message to his uncouth bashers.

He pointedly asked them kung ano raw ba ang kanilang napapala tuwing siya’y bina-bash.

“Still don’t get it. What’s with you bashers?” he demanded visibly perplexed.

“Are you that miserable? Stop and think. “After you bash me… or any person for that matter… what’s next?

“Did you really think you’d get a plus point in the karma department? I think not.”

He further intoned. “Just you wait. When something happens to you, remember that very day when you went out of your way to bash me. Peace out.”

Come to think of it, this is not the first time that the singer has lashed out at his bashers.

Looking back, sometime last year, he was repeatedly bashed because his bashers had put some malice on his relationship with the Kapamilya singer Darren Espanto, thereby putting strain into their relationship .

Ito naman kasing mga bashers ay may pagka-intrimitida rin at may Messianic complex.

Feeling nila’y lagi silang tama at ang ibang tao’y mali.

Pero saan ka, tingnan mo naman sila at mga bakla ring mahilig mag-BJ ng mga gwaping na ombre.

Nakahihiya! Hahahahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

Rochelle Pangilinan, nami-miss ang kanyang ama ngayong nalalapit na ang kanyang kasal!  

Wini-wish ni Rochelle Pangilinan na sana raw ay buhay pa ang kanyang amang si Rodolfo Pangilinan para ihatid siya sa altar sa araw  ng kanyang kasal.

Binabasa n’yo ito, ikinasal na sina Rochelle at Arthur Solinap sa Tagaytay.

Rochelle’s dad passed away last November 11, 2007 primarily because of the complications of his ailment emphysema.

Come to think of it, it’s been ten years since her dad has succumbed to his emphysema ailment and yet the pain is still fresh and raw.

Sa kanyang Instagram account, buong pusong ipinost ni Rochelle ang framed photo ng nasirang ama with this caption: “Alam kong happy ka na ngayon Tay kasama si God, alam ko rin na happy ka dahil ikakasal na ko, alam kong lagi mo kong binabantayan, alam kong yayakapin mo ko ng mahigpit bago ako lumakad sa aisle sa martes..alam ko.”

TJ Trinidad, 41, still so guwapo after all these years

Finally, natupad na rin ang wish ni TJ Trinidad na mapasali sa YES! magazine’s 100 Most Beautiful Stars list sa taong ito.

In the list’s 2017 edition, he is a part of the Bankable Stars category, na kumikilala sa mga aktor na nagbigay ng credible performances the past year.

Looking back, nagsimula siya bilang commercial model (PLDT, Swatch, Close-up, San Miguel, etc.) wayback in the 90s at nag-shift sa acting in the early 2000s, and since then, he has never stopped working.

So far, nakagawa na siya ng 50 TV series/shows at 30 pelikula.

Suffice to say, nag-a-average siya ng limang proyekto sa bawat taon sa loob ng 14 na taon.

He believes that character is what makes a person beautiful.

“The kind of person they are inside is what matters,” he asseverated.

But he was speechless when asked what truly makes him a beautiful person.

“I don’t know,” he said visibly baffled. “I don’t know how to answer that question. Maybe it’s the way I am with my family…I don’t know. “My discipline? If you’re talking characteristics, I think my determination. That would probably it.” TJ coolly admits to being very particular with his looks.

“I’m conscious about the way I look, but not too much, I think,” he said in a truthful tone.

“I just go to the barber.”  To be in perfect shape is what he aspires that’s why he goes to the gym assiduously. “I’ve always been into the martial arts—boxing, karate, muay Thai, judo, konting grappling,” he said.

“Pero right now, I box. ’Yong iba, hindi ko na masyadong pina-practice. I just box until now.” He goes to the gym in particular to do some workouts for his legs.

“Importante ’yon sa legs ko because I’ve had a lot of operations, knee operations,” he explained. “So I really need to strengthen my legs. “Pero supplemental lang siya sa boxing. I box a lot.” For the parting shot,. TJ, who’s doing the drama movie, Smaller and Smaller Circles, shared his diet tip: “I think eating healthy is very important and having that kind of healthy lifestyle.

“I eat what I want, hindi lang sobra-sobra.”

Vhong Navarro balak ng magpakasal sa kanyang longtime girlfriend    

Medyo pagod na rin sa kanyang pagiging bachelor kaya balak na ni Vhong Navarro na magpakasal sa kanyang long-time girlfriend na si  Tanya Bautista in the near future.

But so far, wala pa siyang maibigay na detalye.

“Sobrang close na close na,” he hinted.

“Ayokong sabihin yung taon, kasi naano, e. “Bawat ano kasi sa akin, nauudlot. “Sabi nga niya… yung girlfriend ko kasi, ayaw niya ng sorpresa talaga.”

His girlfriend fully understands why up to now, he hasn’t proposed marriage yet.

We interviewed Vhong at the grand presscon of his Regal movie Woke Up Like This under Regal which is slated to get shown starting August 23.

Kaya raw medyo natatagalan ang pag-aasawa niya ay dahil sa mga kasong inaasikaso pa niya hanggang sa ngayon at kasama rito ang kasong rape last 2014 involving Deniece Cornejo and Cedric Lee.

“Honestly, isa nga ‘yan talaga sa mga rason kung bakit medyo naaantala nang naaantala,” he mused. “E, kaya lang kasi, si God, e. “Sa Kanya ko… kung talagang kasama ito sa daloy ng lahat sa buhay ko, yung mga pagsubok na ganito, e, dapat matanggap natin ‘yan.

“Kumbaga, hindi naman puwedeng huminto ang isang pangarap natin, sa isang taong naghihintay sa atin, at heto nga yun girlfriend ko, di ba?

“Kaya nga, sabi ko, ayaw kong magsabi ng taon o buwan kung kailan. “Bibiglain ko na lang siya.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing. Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply