Caloocan City prosecutor, pinasisibak ni Sen. Drilon

PINASISIBAK ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon si Caloocan City Prosecutor Darwin Cañete.

Kaugnay ito ayon kay Drilon sa bias na pahayag ni Cañete sa kaso nang pagpaslang sa 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

Sinabi ni Drilon na batay sa naging post ni Cañete sa kanyang social media account, mistulang nag-aabogado ito sa pagdepensa sa mga pulis-Caloocan na nakapatay kay Kian.

Nakababahala aniya ang nasabing post ni Cañete na hindi dapat pinapayagan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre dahil nakataya rito aniya ang maayos at patas na administration of justice.

Bukod dito, ipinabatid ni Drilon na kilalang supporter ng war on drugs ng gobyerno si Cañete kaya’t malabo itong maging patas sa paghawak sa nasabing kaso. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply