Comelec chair Bautista, plano nang magbitiw sa puwesto

PINAG-IISIPAN na ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang pagbibitiw sa puwesto matapos maharap sa akusasyon hinggil sa umano’y P1-billion ill-gotten wealth.

Sinabi ni Bautista, maraming options siyang kinokonsidera sa ngayon at ang isa ay ang pag-resign sa puwesto.

Gayunman, nagpapasalamat naman din siya sa suportang natatanggap niya sa kabila ng kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan.

Magugunitang kamakailan lang ay inakusahan si Bautista ng kanyang asawa na si Patricia hinggil sa umano’y unexplained wealth nito o tagong yaman.

Pero mariing itinanggi ito ng Comelec chief at inakusahan naman ang kanyang asawa ng pagnanakaw ng mga passbooks at iba pang bank documents sa kanilang bahay.

Dinipensahan naman din ang Comelec chief ng kanyang pamilya matapos sabihin ng kanyang kapatid na nasa $1.7-million ang kanilang joint investments. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply