Cotto bagong WBO midddleweight champ

BAGONG WBO World Junior Middleweight champion ang Puerto Rican boxer na si Miguel Cotto matapos nitong igupo ang Hapon na si Yoshihiro Kamegai.

Nanalo si Cotto via unanimous decision sa laban nila kaninang umaga na ginanap sa StubHub Center, Carson, California.

Sa mga unang rounds pa lamang ay naging aktibo at nagpakawala na agad ng mga malalakas na suntok si Cotto.

Sa ika-apat na round, naging maganda ang control ni Cotto pero hindi nagpahuli si Kamegai.

Gumanti rin ito ng mga suntok kay Cotto kahit sinasalo niya ang mga kamao ng kalaban.

Nagkaroon ng hiwa ang Hapon sa bandang itaas ng kanang mata sa kalagitnaan ng laban.

Hindi naman ito nag-atubili at ipinagamot niya ito at sabay bumawi sa eighth round.

Tila nakaramdam na ng pagod si Cotto sa mga huling rounds ng laban matapos nitong magpakawala ng mga tira kay Kamegai.

Pero hindi pa rin natinang ang dalawa. Sumusugod pa rin si Kamegai kahit sinasalo nito ang mga pinapakawalang mabibigat na kamao ni Cotto.

Nabatid na ang mga score sa naturang laban ay 120-108, 119-109 at 118-110 pabor kay Cotto.

Naging maganda ang comeback ni Cotto matapos nitong matalo sa huli nitong laban kay Canelo Alvarez noong November 2015.

Napag-alamang magreretiro na ang four-division world champ sa katapusan ng taon. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply