‘Di nag-turnover ng nakumpiskang droga, 5 tanod timbog

jail1

ARESTADO at kulong ang limang barangay tanod sa Makati City matapos hindi umano i-turnover ang mga nakumpiskang droga sa Makati City Police.

Sinasabing nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa isang abandonadong e-bike na may kasamang shabu na tumitimbang ng 450 gramo na narekober ng mga barangay tanod sa Brgy. San Antonio.

Maliban sa mga shabu, nakasabat din ang mga ito ng tatlong sachet ng marijuana at tatlong piraso ng ecstacy.

Kinilala ang mga naarestong tanod na sina Alvin Notado, John Russel Ching, Diosadado Sta. Romana, Dennis Dalisay at Leo dela Cruz dahil sa hindi pag-turnover sa naturang kaso.

Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga naturang suspek. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply