FARIÑAS DINURO AT IPINAHIYA ANG TAGA-BOC

badillangayon

NAKALADKAD sa kontrobersya ang Kamara del Representantes nang balewalain ni Speaker Pantaleon Alvarez at ng kanyang ‘kanang kamay’ na si Majority Leader Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte ang desisyon ng Court of Appeals na palayain ang anim na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte o ‘Ilocos 6.’

Ilang ulit na dinala ng sheriff ng CA sa Kamara ang desisyon ng CA, ngunit gayundin karami ang pagbasura ni Fariñas sa desisyon ng korte.

Inakusahan pa ni Alvarez ang tatlong huwes ng CA na pawang “siraulo” at “gago.”

Habang live sa TV ang imbestigasyon ng Kamara, dinuro at ipinahiya ni Fariñas si Anderson dahil naniniwala ang mambabatas na ito ay inilagay umano ni Anderson sa “bad light” (masamang estado, kahihiyan) ang Kamara, dahil nga sa komentong imbecile.

Idiniin ng abogada na karapatan niya bilang mamamayan na maglabas ng personal na opinyon.

Tama, dahil nakasaad ito sa Saligang Batas ng bansa. Hindi ito naunawaan ni Fariñas (isa ring abogado na nagtapos sa Ateneo) ang opinyon ni Anderson sa FB.

Para sa kaalaman ni Fariñas, idinagdag ni Anderson matapos tawaging imbecile si Alvarez na: “Isn’t there anyone else in the House composed of 200+ representatives who can actually be Speaker? Nakakahiya na!”

Ginoong Fariñas, napakalinaw ng ibig-sabihin.

Si Alvarez lamang ang pinaniniwalaan ng abogada na istupido o idyot. Hindi po kayo kasama o sinoman sa mga mambabatas, Ginoong Fariñas.

Tanong pa ni Fariñas kay Anderson: “Who are you?!” para akusahang istupido o idyot si Alvarez.

Kumbinsido akong mali at wala sa tamang pag-iisip ng isang matinong mambabatas at majority leader pa na tanungin ang isang kawani ng pamahalaan kung “sino ito” upang maghayag ng sariling opinyon laban sa pinuno ng Kamara o sinoman sa kasapi ng kagalang-galang na Kongreso.

Si Anderson ay inimbitahan sa Kamara hindi upang duruin, maliitin at ipahiya lamang kahit mali pa sa tingin ni Fariñas at iba pang mga mababatas ang pahayag ng taong ipinatawag ng Kamara para sa imbestigasyon.

Para sa kaalaman ni Fariñas, si Atty. Mandy Anderson ay isa sa mamamayang nagbabayad ng buwis at botante.

Sa pagiging taxpayer at botante, karapatan ni Anderson o sinoman sa mamamayan na batikusin, singilin at katunayan kasuhan pa nga sa Office of the Ombudsman kung nagnakaw o nagwaldas ng pera ng pamahalaan ang sinomang opisyal ng pamahalaan.

Nakalimutan na ba ito ni Fariñas dahil siya ay majority leader na ngayon ng Kamara?

Hindi dapat nanlalait, nang-iinsulto, nanduduro, nananakot at namamahiya ang mga katulad ni Rep. Fariñas sa mga ordinaryong mamamayan. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply