FOREIGN INTERVENTION TUTULAN

johnny_magalona1035

“NO to foreign intervention!” Ito ang mariing pahayag ng isang Catholic bishop sa balitang plano ng Pentagon na manghimasok sa gulo sa Pilipinas at magsasagawa ng “airstrikes”laban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)-Maute terrorist group na nanggugulo sa Marawi City.

Kasabay ng pagtutol ni Marawi Bishop Edwin dela Peña sa planong ito ng mga Kano ang babala niya sa gobyerno na kapag pumayag daw ito sa naturang plano ay isang paglabag sa soberenya ng bansa.

Kailangan daw ay “no to foreign intervention!”.

Napabalita kasi na ikinukunsidera ng Amerika, sakaling maaprubahan daw ang plano ng Pentagon, na magsagawa ng “drone strike” laban sa ISIS-Ma-ute Groups na hanggang ngayon ay nagkukubli pa rin sa Marawi City, kasama ang ilang natitirang bihag ng mga ito.

Hindi dapat na makialam o manghimasok ang mga dayuhang bansa sa panloob na problema ng isang estado dahil karapatan ng isang estado ang maging malaya sa pakikialam ng ibang bansa.

Kung tuluyang manghimasok ang Amerika sa gulo na nangyayari sa Marawi City, isang napakalaking dagok ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil dito pa lang ay masasalamin na ng buong mundo kung gaano kahina ang ating mga kasundaluhan na lumaban at dumurog sa isang maliit na puwersa ng mga Maute at ipagtanggol ang kanilang mga mamamayan sa mga terorista.

Kahihiyan na ‘yan.

Eh, paano pa kung ibang bansa na ang kagiyera natin?

Mantakin ninyo, Filipino sa Filipino pa lang ang nagpapatayan sa Marawi City, pero Diyos kong mahabagin, bakit umaabot sa mahigit sa tatlong buwan na ang bakbakan ng mga sundalo at Maute Groups?

Ito’y sa gitna ng katotohanang lahat na ng uri ng malalakas at modelong armas ay gamit na ng mga sundalo ng gobyerno, pati na ‘yung mga jet fighter natin na ginagamit nilang pang-airstrike.

Matanong ko lang, anong klaseng battle training mayroon ang ating mga sundalo?

MAGKANO BA HEPE ANG TONGPATS MO?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang pag-oopereyt ng mga video-karera nitong si Junie sa Cainta, Rizal.

Sandamukal pa rin ang mga nakalatag na makina nito sa mga sitio at mga barangay.

Bakit hindi mapatigil ni Cainta COP Supt. Serafin Petalio II ang mga makina ni Junie sa kanyang nasasakupan?

Magkano ba hepe ang tongpats mo, kung meron man?

Kung wala, aba, kumilos ka na

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 0189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply