Gilas game plan vs China, hinubog

gilas1

MAGPAPATUPAD ng mga gameplan si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa kanilang pagharap ngayong araw laban sa China sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Sinabi nito na kahit na kulang sila sa mga matatangkad na players dahil sa pagkawala nina June Mar Fajardo at naturalized-player Andray Blatche, ay lalaban sila nang husto.

Inihayag pa nito na mas lalo nilang paiigtingin ang outside shooting na pangungunahan nina Jayson Castro at Terrence Romeo.

Magiging katulong din nila sa outside shooting sina Matthew Wright, RR Pogoy at Gabe Norwood.

Magaganap ang paghaharap ng dalawang magkaribal mamayang alas-6:30 ng gabi. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply