Gilas vs Lebanon sa panglimang puwesto

PAGLALABANAN ng Gilas Pilipinas at ng host team Lebanon ang panglimang puwesto sa 2017 FIBA Asia Cup.

Babagsak naman sa pangpitong puwesto ang matatalo sa nasabing laro na magaganap sa Sabado ng gabi.

Kaugnay nito, nangangamba si dating Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Monico Puentevella na matalo ang Gilas sa Lebanon dahil tila bumaba nang husto ang kanilang fighting spirit matapos ang masaklap na pagkatalo nila ng South Korea sa iskor na 118-87 noong Miyerkules ng gabi.

Kung hindi aniya mabubuhayan ng loob ay maaaring manamlay ang Filipino basketball team at muli itong malasin sa laban nila sa host team bukas ng gabi.

Samantala, itinuturing ng dating POC chairman at dating Bacolod City mayor ang pagkatalo ng Gilas sa South Korea bilang pinakamalala sa buong kasaysayan ng larong basketball sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Ayon kay Puentevella, ang mahigit 30 puntos na abanse ng kalaban ay patunay lamang na hindi dumipensa nang maigi ang Pinoy players. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply