Ginang na sangkot sa droga, todas sa tandem

crime1

PATAY ang isang 53-anyos na ginang na umano’y kabilang sa drug watchlist ng pulisya at ng kanilang barangay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin na magkaangkas na lulan ng isang motorsiklo sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Nemia Flores, ng 4912 San Vicente St., Brgy. 178, Area D, Camarin sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na dakong 5:00 kahapon ng hapon habang binabagtas ng biktima lulan ng isang pampasaherong tricycle pauwi sa kanilang bahay ay bigla na lamang itong hinarang ng mga suspek sa kanto ng Santol at Avocado St.

Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima kung saan mabilis namang tumakbo ang driver ng nasabing tricycle sa labis na takot at pagkabigla sa pangyayari.

Matapos ang pamamaril ay agad ding tumakas ang mga salarin sa hindi nabatid na direksyon.

Ayon sa ilang barangay official, matagal na umanong nasa listahan ng mga sangkot sa droga ang biktima kung saan ilang beses na rin daw itong pinuntahan ng kapulisan upang sumuko kaugnay ng programang “Oplan Tokhang” ng PNP. RENE MANAHAN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply