Ginebra, nagsungkit ang 5 sunod na panalo vs Phoenix

NASUNGKIT ng Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang limang sunod na panalo nang pataubin ang Phoenix Fuel Masters sa iskor na 105-92.

Dahil dito, gumanda ngayon ang record ng Barangay Ginebra na 5-1 habang naitala naman ng Phoenix ang ika-pitong sunod-sunod na pagkatalo at hawak ang standing na 2-7.

Pinangunahan ng import na si Justin Brownlee ang kanilang panalo laban sa Fuel masters.

Gumawa ito ng 24 points, 17 rebounds, limang assists, apat na steals at dalawang block.

GINEBRA 105 – Brownlee 24, Aguilar 19, Slaughter 14, Devance 14, Tenorio 12, Thompson 8, Mercado 5, Mariano 3, Cruz 2, Ellis 2, Taha 2, Marcelo 0, Helterbrand 0, Ferrer 0, Caguioa 0.

PHOENIX 92 – Brown 26, Wright 21, Kramer 11, Intal 11, Chan 7, Jazul 6, Eriobu 4, Alolino 4, Dehesa 2, Lanete 0, W. Wilson 0, Miranda 0.

Sa naunag laro, pinutol ng TNT KaTropa ang three-game winning streak ng Blackwater Elite matapos itong talunin, 117-96.

Bumida sa panalo ng TNT ang import na si Glen Rice, Jr. na kumamada ng 31 points, anim na rebounds, apat na assists at pitong steals.

Dinagdagan pa ito ni Kelly Williams ng 21 points, Castro na naka-11 points at Lingganay, 10 puntos.

Si Henry Walker naman ang nanguna sa Blackwater na naka-33 points at 18 rebounds.

Narito ang scores sa laro:

TNT 117 – Rice Jr. 31, Williams 21, Castro 11, Lingganay 10, Tautuaa 9, Reyes 8, Pogoy 8, De Ocampo 7, Carey 6, Rosario 3, Semerad 3, Golla 0, Nuyles 0, Hernandez 0.

BLACKWATER 96 – Walker 33, Erram 18, Digregorio 12, Sumang 8, Belo 7, Canaleta 6, Cruz 4, Pinto 4, Gamalinda 2, Pascual 2, Miranda 0, Sena 0. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply