Heart Evangelista-Escudero, target ang January 2018 para magbuntis!

heart-evagelista7

HULING project ni Heart Evangelista-Escudero ang My Korean Jagiya sa GMA 7 ngayong taon. Nasabi ni Heart na plano niyang magbuntis sa papasok na January 2018. Gusto niyang magka-baby ng isa lang sa husband niyang si Senator Chiz Escudero. May dalawang anak na si Sen. Escudero sa unang asawa. Ngayo’y kasa-kasama na ni Heart sa kanilang tahanan ng senador.

Sobra siyang takot sa dugo at injection. Alam niya ang pagbubuntis at panganganak ay hindi basta-basta. Alam din niya kapag nagbuntis at nanganak, tiyak sasailalim siya ng injection. Bukod pa rito, makakita lang siya ng dugo sa katawan ay kinatatakutan din niya. I-overcome ni Heart ang lahat ng fears para lang sila magkaanak ng senador. Hindi na rin siya bumabata, kaya gusto na niyang magka-baby.

Enjoy ang aktres sa bagong soap niya sa GMA 7 primetime soap, ang My Korean Jagiya. Naiiba ang soap na ngayon lang nangyari sa Kapuso Network na ang kasama niyang stars ay mula sa South Korea. Gagampanan ni Heart ang role ni Guadalupe Immaculada Asuncion or Gia.

Leading man ni Heart, tinagurian ngayong Philippine TV’s Sweetheart, ang Korean actor na si Alexander Lee as Kim Jun Ho. Kilala sa Pilipinas si Alexander na member ng well-known K-Pop group U-Kiss. 2010 siya huling pumunta sa Pilipinas kasama ang nasabing grupo. Nag-perform sila sa Party Pilipinas at sa Walang Tulugan ni Kuya Germs (German Moreno).

Ayon sa program manager ng My Korean Jagiya, si Ms. Redgynn Alba, napili nila si Alexander bilang leading man ni Heart dahil magaling magsalita ng English. Bukod sa marami pa ring hatak sa fans, lalo na sa mga mahiligin sa Korean soap at movies. Nagkakilala rin sila ni Heart noon sa Party Pilipinas at humanga ang Korean actor sa beauty at talent ni Heart.

Kasama rin sa cast ang Korean stars na sina David Kim bilang si Kim Ji Hu, Jun Ho’s stubborn older brother, Michelle Ho as Madam Kim Yea-Jin, Jun Ho at Ji Hu’s caring at authorative mother, Jerry Lee as manager Choi, ang goal-oriented and controlling manager of Jun Ho.

Lalabas din sa soap sina Janice de Belen, Ricky Davao, Iya Villania-Arellano, EdgarAllan Guzman as Ryan Alba, (ang handsome pero babaerong boyfriend ni Gia) at Valeen Montenegro as Cindy (ang manipulative Filipinas girlfriend ni Jun Ho).

Kasama rin sa cast sina Jinri Park, ang local Korean actress sa Pilipinas, na lalabas bilang si Hannah Lee, Jun Ho’s secret admirer.

Nasa cast din sina Frances Makil Ignacio, Myke Solomon, Divine Aucina at Khane dela Cruz.

Ang award-winning megman Mark Reyes ang director ng soap.

MARIAN RIVERA, MAY UNEXPECTED SURPRISE NGAYONG BIRTHDAY NIYA

Hindi pa man nagsisimulang umere, close na talaga ang samahan ng bumubuo sa production ng Super Ma’am. In fact, una sila sa mga nagbigay ng birthday surprise kay Primetime Queen Marian Rivera sa nalalapit nitong birthday.

Kwento ni Yan, “Sabi lang, kailangan kang pumunta sa tent. Gusto ni Direk LA (Madridejos) na sabay kayo kumain kasi may idi-discuss daw siya sa ‘yo. Ito yata ‘yung isa sa mga na-surprise ako na hindi ko talaga in-expect.” Magandang sign ito na isang magandang serye ang paparating sa ating mga Kapuso, huh!

DIREK MARLON RIVERA, MAY PAYO SA MILLENIALS

Maganda ang message ni I Heart Davao director Marlon N. Rivera sa mga millennials. Sa napanuod naming clip online, sinabi ni Direk na naniniwala siya na bawat henerasyon ay kayang alagaan ang kanilang sarili.

May point siya. Nung mga bata pa kasi tayo, naikukumpara na rin tayo ng mga nakatatanda sa kapanahunan nila. Ngayon naman, tayo ang gumagawa nito sa millennials. Ang payo ni Direk Marlon, dapat matutunan ng millennials na maging committed at dedicated sa anumang gagawin nila. “Having choices is good but making decisions and choice is a better mark of an adult and a better professional. You can have all the choices but if you don’t commit what’s the point?” sabi nito.

Dagdag pa niya: “You want to look back and say ‘I’ve done things’ and not ‘I’ve tried things’. Trying is good but finishing is better. Stick with something and get some degree of mastery. The world is run by people not just with passion but [people] with mastery and talent.” Sa tingin namin hindi lang applicable ito sa mga millennial pero sa ating lahat, ano man ang ating edad. ON THE SET/NOEL ASINAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply