Honasan, 9 na iba pa pinaaresto sa PDAF scam

honasan1

INIUTOS na ng Sandiganbayan 2nd Division ang pag-aresto kay Sen. Gringo Honasan matapos makitaan ng sapatprobable cause sa kasong isinampa laban dito na may koneksyon sa multi-billion peso Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Si Honasan ay nahaharap sa 2 counts of graft dahil sa umano’y iregularidad sa disbursement ng P30-million mula sa pork barrel funds ng senador noong 2012.

Ang reklamo ay bailable sa halagang P30,000 bawat bilang.

Sinabi ng Ombudsman na inendorso ni Honasan ang non-government organization Focus Development Goals Foundation, Inc. para i-release ang pondo nang hindi sumusunod sa procurement requirements.

Ni-release naman ng budget department ang PDAF ni Honasan, na ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) bilang implementing agency, para sa disbursement ng NGO na sinasabing para sa livelihood projects ng Muslim communities sa Metro Manila at Zambales.

Maliban kay Honasan, iniutos din ng Sandiganbayan ang pagdakip sa kanyang political affairs na si chief Michael Benjamin; NCMF Secretary Mehol Sadain; NCMF officials Fedelina Aldanese, Galay Makalinggan, Aurora Aragon-Mabang, and Olga Galido; and Focus Development Goals Foundation, Inc. officers Giovannie Manuel Gaerlan at Salvador Gaerlan.

Si Honasan ang pang-apat na senator na kinasuhan sanhi ng kanyang partipasyon sa fund disbursement racket, na naunang nabasag noong 2013. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply