INC anniversary bilang non-working holiday, pasado sa Kamara

inc6

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na ibilang na special non-working holiday ang anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC).

Batay sa House Bill 5686, tuwing anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo na July 27 ay idedeklara itong non-working holiday.

Ang pagpapasa sa panukala ay isinagawa kaalinsabay ng ika-103 taong anibersaryo ng INC na inaprubahan ng may 242 kongresista.

Ang panukalang ito ay pinagsama-samang panukala nina Reps. Winston Castelo (PDP-Laban, Quezon City); Alfred Vargas (PDP-Laban, QC); Eugene de Vera (ABS Partylist); Gil P. Acosta (NP, Palawan); Gus Tambunting (PDP-Laban, Parañaque City) at Romeo Acop (LP, Antipolo City).

Sinabi ni Castelo na inaamyendahan ng HB 5686 ang Republic Act No. 9645 o mas kilala bilang Commemoration of the Founding Anniversary of Iglesia Ni Cristo Act, sa pamamagitan ng pagdedeklara ng July 27 bilang non-working holiday.

Paliwanag ni Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na miembro ng INC na maipagdiwang ang anibersaryo tuwing July 27.

Samantala, naipasa na sa Committee on Rules ang House Resolution 1163 na nagpapahatid ng pagbati sa ika-103 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo nitong nagdaang July 27, 2017 at ang House Resolution 1167 na nagpapahatid naman ng pagbati sa walong taong matagumpay na pangunguna ni Iglesia Ni Cristo Executive Minister Eduardo V. Manalo. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply